Chapter 2: Daddy

17 1 7
                                    

Hindi na kami gaanong na traffic ni Zayad dahil malapit lang naman ang Fatima sa Colonial, nasa loob lang naman ito ng Gaisano Mall, pag pasok mo pa pang ng entrance ay nasa gilid na agad ang kainan.

Filipino Cuisine ang kainang ito, masasarap din ang mga pagkain dito kaso mahal.

Nasa waiting area kami at maraming naka pila pero may mga babae sa tabi ko na hindi maiwasang tumingin sa naka sandal na Zayad, nakatayo ito sa tabi ko.

Agaw pansin talaga ang isang ito mula pa kanina na pag pasok namin, ultimo mga janitress na nag lilinis ay napahinto sa mga ginagawa masulyapan lang siya.

Nang tawagin kami ng nasa counter na medyo matandang babae, tumayo agad kami at giniya sa amin ang upuang nasa dulo malapit sa glass wall, kitang kita ang mga dumadaang trike, motor, sasakyan at kung ano ano pa.

"Bakasyon na ang SNHC? Mukhang mga taga SLMC at SSU na lang ang mga nakikita ko ngayon ah." puna niya habang tinitignan ang mga nag lalakad.

"Yup, it's been 2 weeks simula nung bakasyon namin, kaya nakakapag turo na ako sa Fatima." bikit balikat ko.

Napalingon siya sa akin at ngumiti.

"Tagal ka na nag vovolunteer 'don?" tanong niya habang humihigop ng sabaw.

"Yes, since grade 10 hanggang ngayon na mag thi-third year college."

"Oh, third year! Course?" he looks interested dahil binaliktad na niya ang cellphone niya para walang makitang notifications.

"Educ..." I answered.

"Sabi nila mahirap daw mag mahal ng Educ." nagulat ako sa sinabi niya.

"H-huh?!" muntikan ko nang maibuga ang hinihigop kong sabaw.

"H-hindi n-naman! W-wala lang time..." hindi ko alam bakit nag eexplain ako sakanya ngayon!

Tumawa siya. "Pwede mo ba 'kong bigyan ng time kung ganon?"

Nag salubong ang kilay ko at tinawanan niya lang ako!

"Just kidding." pampalubag loob niya.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga sinasabi niya. Mukhang wala lang sakanya yung mga binibitawan niyang words.

"Kayo?" tanong ko.

Tumaas ang kilay niya.

"I mean, kayo ni Laurence pala. How did you two met?"

Umiling siya bago sumagot.

"Family business, at kusang lumapit sakin si Laurence. Nababading ata sa ka gwapuhan ko, ayaw lang umamin." taas noong sabi niya.

Uh-huh si Laurence nababading?

"Seryoso ka?" di maka paniwalamg tanong ko.

"Sayo, Oo." napa singhap ako sa sagot niya.

Hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi niya.

Nag katitigan kami ng biglang nilapag ng waiter ang mga pagkain namin. He ordered Kare-kare, rice, and two Iced tea and water. He even ordered Sili ice cream.

Pag-baba ko ng kutsara ko ay tinulak niya sa akin ang Sili ice-cream at binukasan ang kutsara at iabot sa akin.

"Oh, pang himagas. Para sa pag-ibig ko sayong walang wakas." he smirked.

This time hindi ako nagulat, natawa na ako sa kanya! Mukha kasi siyang tanga.

"Alam mo bagay kayong dalawa ni Laurence mag sama." puna ko.

Tumaas naman ang kilay niya. "Depota, how come?"

"Parehas kayong kulang-kulang." sabi ko sabay sapak ng ice cream sa bibig.

Wishes and WhysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon