Chapter 7: Plan

19 2 8
                                    

"Ms. Navarro and Ms. Divina, your accounts are now settled. Wait for the email and your schedules, you may go." Ngiti ng isang admin sa dalawa kong kasama.

I'm sitting on a couch while both of them are busy talking with the school's registar.

Hindi ko alam kung bakit ang aga nilang mag-enroll, isang buwan pa lang ang naka-lipas simula nung mag-bakasyon.

"Mona, let's go.." Tawag sa akin ni Garry.

Tumayo ako at nag-paalam sa registar bago lumabas.

"Shit! Thank you Lord! Waiting na langs, wala na 'kong iisipin." Pagdidiwang ni Bobbie.

Naglalakad kami sa field at papunta sa canteen, may mga binabating kakilala ang dalawa kong kasama, they're quite known in TLC.

Nadadaanan namin ang mga booth kung saan maraming naka-pila para sumali sa mga clubs.

May isang battalion akong nakita ng mga babae.

May mga hawak itong mga baton at may teacher na nag-sasalita sa harapan nila.

Maybe majorettes?

Magaganda ang mga majorettes ng mga Lewisans.

Pero mas kilala ang SNHC sa pinaka madaming award na nakukuha pag may competition ang mga twirlers.

"Oh my god." Napalingon ako kay Phien.

"Why?" Tanong ni Garry.

Sabay-sabay kaming lumingon sa tinitignan ni Phien at nagulat ako nang makita ko si Zayad na may kasamang babae at nakikipag-tawanan.

Sigurado akong twirler ang isang 'to dahil may hawak na baton.

Umiwas ako ng tingin at binulungan ako ni Bobbie.

"That's Jandy Varua, TLC's first majorette.."

I was about to answer pero naki bulong na rin si Garry.

"That girl was his ex-fling, last year. Kaya grabe ang galit sa kaniya ni Janna na pokpok." Bulong niya.

Lumingon ulit ako sa dalawa at nakita kong huminto si Zayad sa mga twirlers at may inabot na papel sa teacher.

Hagikhik ng mga twirlers ang napansin namin.

Zayad is wearing a white v-neck t-shirt, black pants and a white vans. Naka relos itong Casio, suot din ang dog-tag niya. Lagi kong nakikita ang dog-tag na iyan.

Simple lang ang ayos ng buhok pero hindi ko mapigilang mamangha sa porma niya ngayon.

Ang lakas nanaman ng kabog ng dibdib ko.

"Graciella!" Napalingon kami sa tumawag kay Garry.

"Ano ba?!" Iritadong sagot niya.

"G kayo later? Sama kayo samin dali, inom sa Bugsay. Libre ko." Taas baba ang kilay ng lalaking tumawag kay Garry.

Nilingon ko ang mga kasama ko.

"Oh? Ako g, kami ni Mona. Kayo ba?"

Kumunot ano noo ko kay Bobbie.

"I don't drink.." iling ko.

Bahagya niya akong kinurot.

"Gaga malamang, hindi ka talaga iinom. Kakain ka lang! Sasama ka lang okay?!" Inirapan niya 'ko.

Tumango ako at kumalma.

"G ako, ikaw Phien?" Sabi ni Garry.

"I don't have things to do so, okay. G ako."

Wishes and WhysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon