Chapter 8: Like

12 0 0
                                    

"Putangina, ang sabi ko lagyan ng sago. Bakit walang sago?!" mura ng halos kadarating lang na si Gabby.

We're here at Infinitea. Waiting for their friends.

May dala-dala siyang Zagu at halatang pikon na pikon siya. Pero iba ang pag-kakapikon niya ngayon dahil masyadong mababaw ang dahilan na 'walang sago' para magalit ng ganito ang itsura niya.


"Sa dami mo ba namang sago sa mukha, iisipin talagang huwag nang lagyan ng sago 'yang inumin mo." pang-aasar ni Bobbie.

Tawanan ang ginawa namin kay Gabby na biyernes-santo ang mukha ngayon. Tinignan niya kami at inirapan ang pinsan ko.

"Ilang beses ko ba sasabihin sainyo na freckles at nunal 'tong mga nasa mukha ko ha?" pag-tanggol niya sa sarili niya.


Gabby has a fair complexion, kaya kita ang mga nunal sa gilid ng labi at ilong, and also her freckles. Kulot at mahaba ang buhok, parang pusa ang mga mata at maganda ang arko ng kilay at labi.  She's curvy and has thick thighs, maganda ang pangangatawan. Inshort, maganda at sexy.

"Oo na, pero bakit galit na galit ka ba? Simpleng sago kinagagalit mo." si Phien.

"Ah basta, huwag na kayong mangielam.." pag-tataray pa ni Gabby.

"Intrimitida!" himutok ni Garry.


Habang nag-kukwentuhan sila, hinayaan ko ang sarili kong mag-cellphone. Konting scroll pa biglang may nag-pop out na message. At sa hindi ko alam kung aasahan ko ba o hindi, si Zayad pa ito. Kanina pa pala ang message at naka-silent ang cellphone ko.


Zayad Monteseven

Asan kayo?


Sasagot na sana ako nang bigla ako kalabitin ni Bobbie at panlakihan ng mata.

Kumunot ang noo ko at biglang napabaling sa kakadating lang na mga boys. At una kong napansin si Zayad na busangot ang mukhang naka titig sa akin. Iniwas ko ang mata ko sa titig niyang tagos sa pagkatao ko.


"Mag-reply kasi.." Laurence chuckled. Pero ang tingin ay nasa glass wall. 

Kumunot ang noo ko, hindi ko nalang sila pinansin.


"Lei can't go, so it's obvious. Hindi pupunta ang hinahanap mo!" kanina ko pa naririnig si Phien na iritado kay Tj.

Ibinaling ko ang ulo ko sa dalawa. Naka-sandal ang ulo ni Tj sa balikat ni Phien. Are they this close? Ngayon ko palang naka sama ang mga 'to dahil hindi naman ako nag-sasasama kay Bobbie lumabas.

"Come on, porket nandoon si Tally at makikita mo." salubong ang kilay ni Tj.

"Ofcourse not! Huwag mong banggitin si Tally dito." himutok ni Phien.


"Sana all angry. Pero ayun mukhang mas angry." kurot ni Garry sa akin at nginuso si Zayad.

Kita ko ang nang aasar na mukha ni Laurence at binubulungan si Zayad na diretsong naka tingin sa akin at igting ang panga.

"Si Gabby na ang bahala kay Novall na epal. Go get Zayad hihi.." kinikilig na sambit ni Garry.

May sinenyas si Garry kay Gabby at tila nag-uusap ang mga mata nila.


"Hay nako punyeta! Tara na nga. Nomong-nomo na ako! Sino ba mag-papainom? Libre niyo ha! Purita ko nowadays." Gabby stood up, kaya tumayo na rin si Tj na kanina lang ay nilalaro ang mga daliri ni Phien.

Wishes and WhysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon