Chapter 1: Yabang
"Ma..."
Nasa malapit na pintuan si mama,nakaabang sakin na may dalang bamboo stick.
Sabi na eh,lintik.
" Saan ka na naman nagpunta?! Gabi na jusko! Mamaya kung anong mangyari sayo! At tinakasan mo pala talaga ako?!" galit na singhal niya sakin.
Nasa labas lang ako ng pinto,nakatayo malayo sa kanya. Baka kasi mapalo ako nung mahabang stick niya eh,huhu.
Nakayuko lang ako habang pinapagalitan niya ako. Hays,hindi naman talaga dapat ako lalabas eh. Nagyaya kasi sina Lara na mamasyal kami.
" Hala,sige! Pumasok ka na! Pasalamat ka at wala pa ang papa mo kun'di baka hindi lang sermon maabutan mo!" singhal na naman ni mama.
Hinintay ko munang makaalis si mama malapit sa pinto bago ako pumasok ng bahay. Kauuwi lang pala ni mama,wala pa kasing nakahandang pagkain.
Umakyat na agad ako ng hagdan papuntang kwarto ko at nagbihis ng pambahay. Pagkatapos ay nahiga ako saglit sa kama.
Simple lang naman ang buhay namin. Hindi mayaman, hindi rin mahirap. Kumbaga,sakto lang. Mas gusto kasi nila mama ng simpleng pamumuhay lang,at kuntento na ako sa buhay na mayroon ako.
***
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil unang araw na ng klase. Pagkabangon pa lang, agad na akong dumiretso sa banyo malapit sa kusina dala dala ang tuwalya't uniform ko at nag ayos na ng sarili.
Pagkalabas ng banyo, naabutan kong naghahain na si mama sa lamesa. Agad akong dumiretso sa upuan ko para kumain.
"Mabuti naman at maaga kang nagising. Tawagin ko lang ang kapatid at papa mo para makakain na tayo."inaantok pa na wika ni mama.
Tumango lang ako nang tahimik sa sinabi ni mama.
Matapos nang ilang minuto,bumaba na rin sila at nagsimula na rin kaming kumain.
Maaga akong natapos sa pagkain kaya nagpaalam na ako at nilakad ang daan papunta sa school. Malapit lang naman kasi.
Habang naglalakad,biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko kaya huminto muna ako sa gilid at tinignan iyon.
May message pala si Aziel. Binuksan ko ang mensahe niya at binasa.
From: Az
Thea, meet daw sa insular bago pumasok.
Napakunot ang noo ko sa aking nabasa. Eh pwede namang dumiretso na lang ng school 'tsaka magkaklase naman kaming lima.
Pumunta pa rin ako sa insular,ang lugar kung saan madalas nagmemeet ang mga estudyante kung may project man o galaan.
Pagkarating ko doon,si Aziel lang ang naroon. Agad ko siyang nilapitan kung saan siya nakatayo.
YOU ARE READING
Love Behind The Shadows
Teen FictionGalatea Cressida Alvaro, a beautiful yet kind girl. She is a girl that have principles and goals in life. She wants to make her parents proud. But what will happen when her parents suddenly disappeared? What will happen when her beloved didn't trus...