PROLOGUE
" Thea, let's go! Ang bagal mo naman!" iritang singhal ni Elara habang naglalakad na kami palabas ng SM.
" Saglit lang! Inaayos ko sintas ng sapatos ko!"
Naglakad na sila papalayo sakin. Grabe ha, hindi talaga ako hinintay. Kaya pagkatapos ko ayusin ang sintas ng sapatos ko,tumakbo na agad ako papalabas para sundan sila.
By the way, I'm hanging out with my friends Titania, Elara,Aziel, and Anthony. Halos dalawang oras lang naman kami naglakad-lakad sa loob ng SM,eh wala naman pala silang bibilhin. Ako pa ang pinagod,jusko!
Nasa likod kami ng SM ngayon,kaya we're heading to Skyranch.
"Uy,Skyranch, tara pasok tayo!" Malokong sabi ni Aziel.
"May pera,may pera?!" Gatong naman ni Anthony.
"Sus,ikaw talaga Az, kala mo may pera eh. Tara na nga sa Burnham!" Irap ni Elara.
Gaya ng sinabi ni Elara, pumunta nga kaming Burnham Park. Dito kami lagi tumatambay after school o kaya nagkayayaan ng galaan. Wala eh,wala kasi kaming pera.
Medyo hinihingal kami nang makarating kami sa Burnham Park. Naghanap kami ng mauupuan at saka nagpahinga.
The City of Pines really gives cool air;kaya habang nakaupo kami sa damuhan,dama namin ang simoy ng hangin kaya agad ding nawala ang init na naramdaman namin sa paglalakad kanina.
And oh, it's already 4 PM.
Nanatili kaming nakaupo sa damuhan at tahimik nang ilang minuto ngunit nagsalita si Aziel na nagpaputol ng aming katahimikan.
"Bukas na pala tayo papasok no? Tsk, di pa ako ready." tamad na sabi ni Aziel.
"'Ni wala pa nga ata akong gamit na nabili hahaha!" saad ni Anthony.
" Bumili na kami ni mama last week. Ang daming tao." maarteng sabi ni Elara.
" Eh ikaw Tania, may nabili ka ng gamit?" tanong ni Anthony kay Titania.
"Syempre,ako pa 'no! I'm not like you na laging unprepared! Duh!" sabay irap ni Tania.
" Eh you ba,Thea,ready na ba you?" maarteng sabi ni Tania.
" Eh you ba,Thea,ready na ba you?" panggagaya ni Aziel sa kanya.
Sinamaan siya ng tingin ni Tania. " Hey! Don't bully me!"
"Tss. English English pa e pare- pareho naman tayong sa public school mag-aaral!" singhal ni Aziel.
" Of course, ready na ako Tania." pagsagot ko na lang kay Tania dahil pikon na ang mukha niya agad sa asar ni Aziel.
Pagkatapos naming magpahinga,nagpaalaman na kami sa isa't isa at umuwi na. Nagmamadali na akong umuwi kasi 6:30 na ng gabi.
Patay,baka maabutan ko si mama.Tumakas lang ako eh!
Makalipas ng ilang minuto,nakarating din ako ng bahay. Naabutan kong nakapatay pa ang ilaw sa loob.
Yes! Wala pa si mama!
Pero pagbukas ko pa lang ng pinto...
" GALATEA CRESSIDA ALVARO! Saan ka na naman nagpuntang bata ka?!"
Note; Right pronunciation of names:
Galatea- ( GA-LA-TE-YA)
Titania-(TAY-TAN-IYA)
Aziel-( A-ZI-YEL)
YOU ARE READING
Love Behind The Shadows
Ficção AdolescenteGalatea Cressida Alvaro, a beautiful yet kind girl. She is a girl that have principles and goals in life. She wants to make her parents proud. But what will happen when her parents suddenly disappeared? What will happen when her beloved didn't trus...