Chapter 2: Unknown Owner
Pagkatapos ng klase, dumiretso agad ako sa faculty room para hanapin si pandak. Buti nga at nahanap ko agad siya malapit sa dulo. Nagmamadali kasi ang mga kaibigan ko at kakain pa daw kami. Sinabi kong pupunta muna ako dito pero sinabi nila na huwag na akong pumunta at hindi ako pumayag. Baka kasi importante itong sasabihin ni ma'am pandak.
Nang nasa harap na ako ng desk niya,agad ko siyang binati at tinanong kung anong sadya niya sa akin.
" Since I saw your paper a while ago, nakita ko na perfect mo ang pre-test. So, I would like you to join the Science Quiz Bee this coming August. Is that okay with you,Ms. Alvaro?" masayang wika niya.
OMG! Nakuha agad ako sa quizzers! Every year naman akong sumasali kaya ngayon,sasali ulit ako since she mentioned it.
" Sure,ma'am! I would like to take this opportunity!" masaya ko ring sabi.
" Good. By the way, I am Mrs. Domingo,hija. Hindi pa pala ako nakapagpakilala kanina sa klase. Your review sessions will be next month. I'll just update you soon,that's all. You can go home." Masayang wika nito.
Agad akong nagpasalamat at nagpaalam na. Kumaripas ako ng takbo papuntang gate para salubungin sila doon. Nakatayo sila at halatang nagmamadali na. Lumapit ako sa kanila at niyaya na silang umalis.
Habang nasa daan,nagkukwentuhan kami ng iba't ibang bagay. Tinanong din nila kung anong pinag-usapan namin ni ma'am Domingo.
" Pinapasali niya ako sa quiz bee this coming August." Sabi ko.
" Eh pumayag ka ba?" wika ni Anthony.
" Syempre,pumayag ako! Sayang yung chance pag tumanggi ako noh." Masaya kong sabi.
" Syempre papayag yan,dude. Alam mo namang hilig niyan sa Science eh."wika ni Az.
" Hehe oo nga naman."
" Tss,baka patalunin mo na naman yan kapag sumali si Nick,ah?" Asar ni Tania.
Bahagyang namula ang pisngi ko." H-hindi,ah..."
Kapag kasali kasi si Nick sa Science quiz bee sa school, lagi kong pinapatalo para siya ang mag first place. Ang first place lang kasi ang kinukuha papuntang district meet,at okay lang sa akin iyon. Crush ko naman siya eh.
" Sus,ang sabihin mo,bobo ka lang talaga kaya hindi ka nananalo." Irap ni Lara sa akin.
Medyo nainis ako sa sinabi niya pero hindi ko na pinatulan. Kaibigan yan,kaibigan ko.
" Oo nga eh,mahirap din naman kasi ang mga quaetions..." ang tanging nasagot ko na lamang habang nakangiti sa kanya.
Umirap ulit siya at binigyan ako ng nakamamatay na tingin. Anong problema ng babaeng ito?
" Uy,tara fishball muna tayo!" biglang singit ni Anthony dahil naramdaman niya siguro na may tensyong namumuo.
Pumayag naman ang lahat at nagpunta kami sa fishballan malapit sa ASEAN Supermarket.
Maraming taong bumibili roon kaya pahirapan kami sa pagbili. Nang makabili ay tumabi na kami sa may gilid para makakain.
Habang kumakain, tiningnan ko si Lara na ngayo'y masama na ang tingin sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin at tinuhog ang chickenball na kinakain ko.
Hindi ko na nakayanan ang matalim na titig sa akin ni Lara kaya agad akong lumapit kay Tania at pasimpleng bumulong.
" Tania,may problema ba sa akin si Lara? Kanina pa siya tumitingin nang masama sa akin eh."
" Girl ano kasi... Nagalit siya kasi pinahiya mo si Astrophel kanina sa klase. Ang yabang yabang mo daw para sabihin iyon." bulong ni Tania.
Haaaaaaa?!
" Ano?! Bakit siya magagalit eh kasalanan naman ni Astrophel yon. Pagbintangan ba naman akong nangopya sa kanya!"inis na bulong ko.
" Well,naniniwala naman ako,Thea girl, pero alam mo naman,patay na patay yan kay Astrophel" sabay nguso kay Lara na nakatingin na sa amin ngayon.
Agad itong pasugod na lumapit sa amin.
" Ano na namang pinag-uuspan niyo diyan?! Pinag-uusapan niyo ako no?!" mahinang sigaw ni Lara.
Hay naku pong babae ka.
" At ikaw!" lumigon siya sa akin. " Bakit mo pinahiya si Astrophel kanina? Kita mong hiyang hiya na yung tao pinahiya mo pa!" Galit na sigaw niya.
Napatingin tuloy ang mga tao sa amin dahil gumawa kami ng eksena.Lumapit na rin sa amin ang dalawang kaibigang lalaki namin na kanina'y nagtatawanan lang.
" Elara, huwag ka mageskandalo dito. Huminahon ka!" mahinang sigaw ko sa kanya.
Akmang sasampalin na ako nito nang pigilan siya nina Anthony at Aziel.
" Lara tama na!" At hinatak na nila palayo si Lara.
" Bitawan niyo ako! Pinahiya niya ang crush ko!" nanggagalaiting sigaw nito.
" Lara,tama na! Dapat lang kay Astrophel 'yon kasi pinagbintangan niya si Thea na nangongopya!" sigaw na rin ni Az sa kanya.
Maya maya pa,unti-unting humihina ang boses ni Lara mula sa aming kinaroroonan. Pinakalma na siguro siya nung dalawa.
Napatingin ako sa paligid. Nawala na ang bulungang narinig ko kanina pa lang. Nakahinga ako nang maluwang at inubos ang chickenballs na nasa plastic cup ko.
Nilingon ko si Tania na nakatingin sa akin. Ubos na pala ang pagkain niya.
" Paano,mauna na ako girl. Hayaan mo na si Lara,magsosorry din yun bukas. Cheer up,okay? Bye!" pagpapaalam niya at kumaway pagkatalikod.
Tinapon ko na ang plastic cup ko sa basurahan at nagpasyang umuwi na rin.
Habang naglalakad,naglalakbay sa isip ko ang mga nangyari kanina. Tss,wala siyang karapatang awayin ako dahil una,si Astrophel ang may kasalanan. Pangalawa,Galisa ang tinawag sa akin ni Astrophel!Grrr!
Malapit na ako sa bahay nang magpasyang hindi na muna umuwi. Pumunta muna ako sa waiting shed na malapit lang din sa aming bahay. Naabutan kong may papaalis na doon sa upuan at umakyat sa may hagdanan na malapit sa shed.
Umupo muna ako sa upuan para magpahinga at kalmahin ang sarili. damang dama ko ang simoy ng hangin na tinatangay ang aking mahabang buhok. Saglit akong napatingin sa aking gilid nang may mamataan akong isang magandang camera. I think,this is a polaroid camera,a black polaroid camera to be exact. Clinick ko ang flash nito at nakitang may lumabas na film. Black pa ang kulay nito kaya tinago ko muna sa madilim na part ang film na iyon.
Now I'm wondering...
"Kanino kaya 'to?" tanong ko sa sarili.
YOU ARE READING
Love Behind The Shadows
Teen FictionGalatea Cressida Alvaro, a beautiful yet kind girl. She is a girl that have principles and goals in life. She wants to make her parents proud. But what will happen when her parents suddenly disappeared? What will happen when her beloved didn't trus...