CHAPTER 3

6 0 0
                                    

Chapter 3: The Owner

Umuwi agad ako sa bahay upang muling sipatin ang camera. Syempre baka bumalik yung may-ari. Sayang ito kung ganoon.

Masama na kung masama,alam kong dapat kong hanapin kung sinong may-ari nito para maibalik ito sa kanya. Kaso kasi,ngayon lang ako magkakaganito!

Nagtatalo ang mabuti at masama sa isip ko. Pero oo nga,dapat ko ngang ibalik ito sa kung sino mang nagmamay-ari nito. Baka importante ito sa kanya. Wala akong karapatang angkinin ito para sa pansariling kagustuhan. Pero sino nga ba ang nagmamay-ari nito?

Hindi kaya,yung kakaalis lang na lalaki kanina noong papunta ako ng waiting shed?

Napabuntong hininga ako sa aking naisip.

Baka siya nga. 'Di bale, aabangan ko na lang ang kung sinong dadaan doon sa waiting shed pagkauwi galing sa school at itatanong kung kanila ba iyon.

Habang tinititigan ko ang camera,may napansin akong nakaukit sa lower left corner nito.

'Astro'

Is this the name of the of the owner? It seems pinagawa pa ito. It is written in cursive;at may star sa tabi ng pangalan nito.

...or baka pangalan lang ng camera? 

Parang hindi naman. Nakita ko kasi yung name ng camera sa upper left corner,eh...

Never mind,I'll stick to my plan. I'll just ask who owns this in that shed.

-

-

Kinabukasan,maaga muli akong pumasok sa school.Nakalagay ang camera sa aking likuran dahil sisimulan ko na ang pagtatanong mamaya.

Habang naglalakad papuntang school,naalala ko na naman si Elara. Grabe ang babaeng 'yon. Hindi naman siya ganun sa akin noon,ah? Masyado na atang obssessed ito kay Astrophel.

Ay bwisit na Astrophel iyan! Naalala ko na naman ang mayabang na iyon! Kung bakit crush na crush siya ni Elara ay hindi ko alam.Gwapo nga, ang sama naman ng ugali.

Wala pa ako sa gate ng school nang mamataan ko si Aziel na nakatayo roon. Nakatingin siya sa akin habang papalapit ako sa kanya.

Ngumiti ako nang nasa harap niya na ako.

" Saan yung iba? Bakit mag-isa ka lang?" tanong ko sa kanya.

" Nasa classroom  na. Sinadya ko talagang hintayin ka rito dahil baka sugurin ka ni Elara." sagot niya.

Tumango na lamang ako at sabay naming tinahak ang daan papasok ng school.

Nang malapit na kami sa classroom,nakita ko si Elara na nakatayo malapit sa pintuan. Nang makita niya ako, agad itong lumapit sa akin. Bahagya akong napaatras.Hinarang naman ni Aziel ang braso niya sa harap ko. 

" Elara,nasa school tayo. Huwag kang mag-eskandalo." inis na wika ni Aziel.

Bahagyang nagulat si Elara sa sinabi ni Aziel,ngunit nagtaas din ito ng kilay.

" Hindi ako mage-eskandalo. Kakausapin ko lang si Thea..." kalmadong wika nito.

Love Behind The ShadowsWhere stories live. Discover now