Chapter 4
It's been a week since my peaceful life changed. A vacation months should be enjoy! But who would enjoy a situation like this? with the seven idiots! I can't even go to the mall, because I'm afraid that when I get back to our house we're burning on fire!
I'm not healthy anymore, we always take outs! and the house was so mess! Para itong pugad ng mga ulupong! Tulad ngayon I'm trying to clean the kitchen but here they are trying to cook eggs using a damn water!
Shit. I know I don't how to cook but damn I know that the "oil" use to cook foods not a water!
Halos mapapikit ako sa inis nang masunog pa nila ang kawawang itlog!
"Mga bobo! Mantika ang ipinangluluto hindi tubig!"
Awtomatiko nila akong tinignan ng masama.
"Tumigil ka nga diyan! Sinusubukan namin magluto dito dahil wala na kaming pera." Asik ni Bryle.
"Mabubulok na rin foods sa ref." Sabat ni Eli.
"Galingan mo na lang ang pagiging Sleeping beauty diyan. Pati 'yung kwarto namin linisin mo!" Umawang ang labi ko at saka nangunot ang noo ko sa sinabi ni Cal.
Nagtawanan sila.
"Gago Cal! Si Sleeping beauty, tulog! kaya nga sleeping e!" Halakhak ni Levi
"Ha? Akala ko siya 'yung masipag na alila na may kulay asul na gown, 'Yung sleeping beauty pala 'yung batugan na tulog lang ng tulog! Mali ang kuwento ko sa mga bata!"
Para silang mga siraulo na nakawala sa kulungan kung makahalakhak.
"Mga ulol! Si Snow white 'yun! Blue gown tapos 'yung may sapatos na babasagin!" Ani ni Zell na parang hindi rin sigurado sa sinabi niya.
Nasapo ko na lamang ang noo ko sa katarantaduhan nila!
"Oo tama! Tama! Si Snow white 'yung may pitong dwarfs 'di ba? Sakto pito tayo kaya lang hindi dwarfs kundi pitong mga gwapong nilalang sa buong mundo!" At saka sila humalakhak nanaman.
"Manahimik ka, Escolano! Ako parin ang pinaka-pogi sa atin!" Bigla ay sabi ni Blake na kumindat pa sa akin.
Napaismid ako. Ang hangin! Sa isang linggong nakalipas ay hindi ko pinagtuunan ng pansin ang pagiging abnormal ng katawan ko sa tuwing magtatama ang paningin namin ni Blake. Nararamdaman ko ang madalas niyang pagpapansin niya na dinadaan ko lang sa pag-irap at pag-bulyaw sa kanya. Masasabi kong talaga naman na sobrang landi niyang nilalang!
"Manghang-mangha nanaman si Evi sa kagwapuhan ko oh." Palatak ni Blake, hindi ko namalayan na nakatitig pala ako sa kanya na ikinahalakhak ng mga kapatid niya.
"G-Gago! Ang kapal ng mukha mong gago ka!" Ang mga halakhak nila ay napalitan ng malalakas na mura nang magliyab ang kawali na ikinataranta namin.
Initshan ito ng damit ni Bryle pero napamura ako nang kaninin lang ito ng apoy! Mas lumakas pa ang apoy! Shit!
"Mga hangal! Tubig! Patayin niyo ng tubig!" Taranta kong sigaw.
Kinuha ni Blake ang stock ng tubig sa ref habang sila Zell ay nagpatulo sa gripo. Halos hindi mabuksan ni Blake ang lalagyan dahil sa panginginig ng kamay.
Si Bryle at Eli ay parang mga gagong hinihipan ang lumalaki nang apoy. Mga gago! Shit!
Nauubusan ng pasensya na sinira ni Escolano ang gripo dahilan para mabilis na tumagas ang tubig nito na parang isang fountain kung kanina ay nag-iinit kami dahil sa apoy, ngayon naman ay para kaming mga basang sisiw! Mabilis na naapula ang apoy na ikinaluwag ng loob namin napatingin ako sa lagaslas ng tubig na nagapapabaha na ngayon sa kusina.
Jusko po Lord.
Nanghihina na lamang akong napakapit sa counter. God. Bakit niyo pa binigyan ng buhay ang mga nilalang 'to?!
Matapos kong makapagpalit ng damit, naabutan ko sila sa sala na mga nakahilata. Nanlaki ang mata ko nang makita si Demon na lumabas sa kusina.
"D-Demon?" Nginitian niya 'ko.
"Tinawagan ako ni Cal, pinaayos niya 'yung lababo..." I slightly nodded.
"Ah. Alis na 'ko..."
"Kumain kana ba? Dito kana lang kumain." I heard groans from my behind.
"Look Kuya...Mang-imbita pa siya kumain, Eh hindi pa nga tayo nag-uumagahan." Matalim kong inirapan si Eli.
Namula ako nang tumawa si Demon.
"Hindi na, Evi...may lakad din kasi ako. Maybe next time? 'Yun parin ba ang number mo?"
"A-Ah yes... I'll wait then." Nang makaalis si Demon ay mabilis kong hinambalos si Eli.
"Bwiset ka!"
"A-Aray! Evi masakit! A-Aray!" Inis ko siyang sinabunutan at tinadyakan.
"That's enough..." Napatigil ako nang umalingangaw ang malamig na boses ni Blake.
This is the first time that I heard him like this. Cold and unbother.
We all shocked when he punched Cal arms.
Matalim ang mata niyang tumingin sa akin. At saka siya nagbaling kay Escolano.
"Sirain mo ulit 'yung gripo..." Malulutong na mura, halakhak at pagka-ismid ko ang nagsilbing ingay sa sala.
"G-Gago ka talagang hangal ka!" Sigaw ko. Inis siyang napasabunot sa buhok at saka galit na sinipa ang sofa. Sinuntok niya muli sa braso si Cal na ikinangiwi nito.
"Ang sabi mo, Inhinyero ang gusto. Tubero lang pala! A Plumber not a fucking Engineer hangal!" Galit niyang turan na hindi ko naintindihan. At saka na siya galit na nagwalk-out.