1

10 5 0
                                    


Tinanggap ni Miranda ang sobre at pinasalamatan ang boss niyang si Ara.

"Thank you ulit Ma'am." tukoy niya sa sahod niya na iniabot nito para sa buwan na iyon.
Ara rolled her eyes. Ayaw kasi nito na amo ang turing niya dito.

"Ara." pagtatama pa nito.
Ngumiti na lamang siya bilang tugon.

Lagi naman ganito ang trato nito sa kanya sa apat na taon niyang pagtatrabaho bilang sekretarya nito.

Parang kapatid na rin kasi ang turing nito sa kanya dahil nakababatang kapatid ito ni Anton. Ito rin ang personal na pumunta sa kanya sa tahanan nila nang makatapos siya sa pag aaral ng edukasyon para alukin sa trabaho. She's hesitant at first after she heard Ara's offer. Masyadong malaki ang galit niya sa kuya nito dahil sa nakakadiring panloloko sa kanya. Kaso napag isip isip niya na malaki rin ang naitulong ng pamilya nito nong mga panahong nasa ospital ang Papa niya. Kailangan niyang magbayad ng utang ng loob. Literal na utang dahil halos lahat ng sweldo nya ay kanyang iniipon para ipambayad sa halos isang milyon na naibigay sa kanya ni Anton. Alam naman niyang tulong iyon ng binigay nito ngunit hindi nya kayang sikmurain na magkaroon ng utang dito.

Dalawang buwan.

Iyon ang kailangan niyang bunuin para mabuo ang ipon. Ibibigay niya iyon kay Ara. Hindi niya alam kung tatanggapin nito iyon pero ipipilit pa rin niya kung tanggihan man nito. Maiintindihan naman siguro nito ang rason niya.

Nagtungo siya sa warehouse. Kung saan nakalagay ang libong sako ng niyog na inani para sa taong iyon. Kukunin niya ang eksaktong bilang nang harvest para magawan na niya nang resibo. Kailangan na rin kasing madala iyon sa factory ng mga Ledesma para maging langis. Ang pabrika ng mga ito  ang pinakamalaking manufacturer at supplier ng mga baby oil sa bansa. Nag eexport rin ito sa ibat ibang bansa.

"My loves! My everything!" Kahit hindi siya lumingon para makita ang nagsalita niyon, kilala na niya ito.
Wala naman ibang tumatawag sa kanya ng ganoon.
Umirap muna siya sa itaas at nagpakawala ng malalim na hininga para dagdagan ang pasensya bago humarap sa baklang si Anton.

At tulad ng laging nakikita niya. Wala na naman itong pang itaas at nakabandera sa harap niya ang perfect six pack abs nito. Pawisan ang tan nitong balat dulot ng pagbubuhat ng sako nang niyog. Hindi na siya magtataka kung isang araw hikain ito.
Sa anim na buwan mula ng bumalik ito galing Amerika hindi niya pa ito nakitang nagdamit.

Isang matamis na ngiti ang isinukli nito sa nakasimangot niyang mukha.

"Did you already receive the flowers and chocolates I left on your table?"

"Yes. And tinapon kona rin."

Itinaas niya ang kanyang tingin galing sa katawan nitong nag gagalawan ang muscle habang nagsasalita ito. Kung tulad siya ng dati malamang kanina pa siya hinimatay sa kilig at pag nanasa sa katawan nitong kanin na lang ang kulang para makapaglunch na siya. 
Napagawi ang tingin niya sa mga labi nitong kay pula.

Isipin pa lang na pinagpantasyahan at hinalikan niya noon ang mapupulang labi nito ay nasusuka na siya.

Nilagpasan niya ito para sana tapusin ang pakay. Subalit agad itong humarang sa harap niya at hinawakan ang braso niyang awtomatikong umigkas pakalas sa hawak nito.
Nandidiring umatras siya dahil kanina pa talaga siya nasusuka kahit pa ang bango nito. Very manly.

Manly?!

Yes. Physically manly but deep inside feminine.

"Let's have lunch together"
Nakangiting alok nito. Ang ngiting minsan sa buhay niyang nagpabilis ng tibok ng kanyang puso na ngayon ay gusto na niyang burahin sa gwapong mukha nito.

Babaeng Malas Sa LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon