Prologue

34 6 0
                                    

"Anton!" tawag ni Miranda sa kasintahang naghihintay sa kanya sa labas ng pinapasukan niyang Unibersidad. Nakangiting sinalubong siya nito ng mahigpit na yakap.

"For you my beautiful girlfriend."

Kinikilig na tinampal niya ang malapad na dibdib nito bago tanggapin ang isang tsokolate at bouqe ng rosas mula sa binata.

"Salamat, love." Halos mapapikit pa siya ng samyuin ang artipisyal na mabangong amoy ng bulaklak. Halatang binuhusan ng maraming pabango.

"Happy second anniversary love." Hinapit siya nito at marahang hinalikan sa ilong. " I love you. And I always will."
Sa dalawang taon nilang pagiging magkasintahan he never failed to express his undying love for her.

Napaka swerte niya na sa kanya nahulog ang isang Anton Ledesma. Isa sa pinakamayamang angkan sa kanilang probinsya.

He's a perfect guy. Tall,handsome, sweet, rich and most of all, a loyal boyfriend to her.

Nakilala niya ito sa pista ng bayan. Gabi noon at may sayawan. Niyaya siya ng kaibigang si Helen na makipagsayawan, at dahil mahilig siya sa ganoong kasiyahan sumama siya sa kaibigan. Nataon naman na uwi rin ni Anton matapos mag aral sa America. Nasiraan noon ang sinasakyan nilang trycicle na magkaibigan kaya napilitan silang maglakad lakad tutal medyo malapit na sila sa bayan. Gustuhin man nilang sumakay sa mga trycicle na dumaraan subalit puno na rin ang mga iyon dahil sa nasabing kasiyahan.

Malayo layo na rin ang nalalakad nilang magkaibigan ng may humintong isang itim at makintab na kotse sa kanilang tapat. Sumungaw sa bumabang tinted na bintana ng kotse ang isang may edad na lalaki.

"Mga maam. Sakay na po kayo." Nakangiting alok nito.

Mukhang mabait naman ito at walang masamang balak pero magalang pa rin nilang tinanggihan ito at pinasalamatan. Knowing Helen, her bestfriend, may pagka maria clara ito sa ibang bagay tulad ng pagsakay sa sasakyan ng estranghero. kahit pa kotse ang pumarada sa harap nito, hindi ito madaling sumama kahit na sa kanino. Ang kaibigan niya ay medyo may pagka mahiyain na haliparot. Palibhasa guro ang nanay nito kaya siguro nasusupil ang kalandian. Kaya lang kapag gwapo na ang usapan, nawawala sa bokabularyo nito ang salitang mahinhin.

Humigpit ang hawak nito sa kanyang braso at pasimpleng bumulong. "Mira, kahit anong mangyari at pagpipilit pa ni manong huwag kang papayag na sumakay tayo. Jusme. Kilala mo ako. Wala akong tiwala sa mga ganiyan. Ayoko ng mga ganyan. Kahit tutukan niya ako ng baril para sumakay hinding hindi ako-"

Bumukas ang kabilang pinto ng kotse at iniluwa niyon ang isang gwapong lalaki. "Mabuti kaming tao. Don't worry wala kaming masamang intensi-"

"Miranda, ano pang tinatanga tanga mo sakay na tayo!" At ang haliparot niyang kaibigan, mabilis na lumayo sa kanya at binuksan ang pinto para mag patiunang pumasok sa kotse. Muntik na niyang matapik ang sariling noo. Nakakita lang ng gwapo nakalimutan na naman ang kahinhinan.

Hiyang hiya niyang binalingan ang nakangiting gwapong lalaki at binigyan ng apologetic na ngiti. Kung minsan nakakahiya talagang kasama si Helen.

" Ako nga pala si Anton Ledesma. Son of mayor Sandra Ledesma." Pakilala nito. Kung di siya nagkakamali ikaapat na tingin na nito sa kanila sa rearview mirror mula ng umusad ang sasakyan. "And here-" iminuwestra nito ang katabing nagmamaneho. " is manong Raul." Sumulyap sa rearview mirror si manong upang bigyan sila ng magiliw na ngiti.

"Sinundo nya lang ako from airport. Nag aral kasi ko sa Amerika at ngayon lang nakauwi." Patuloy nito nang nagpakilala rin sila.

Siniko siya ng kaibigan. "Bes ang bango niya. Kinikilig ako sa boses niyang kasing pogi niya."

Babaeng Malas Sa LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon