2

11 6 1
                                    

Tinanaw na lang ni Anton ang papalayong si Miranda. Hindi siya makagalaw. Tila siya ipinako sa kinatatayuan.

Gustuhin man niya, hindi na niya tinangkang sundan pa ito. Hindi rin naman niya kayang ipagtanggol ang sarili. At kahit kaya niya hindi niya iyon gagawin.

Bakit? Dahil tama naman ang lahat ng sinabi nito. Niloko at iniwan niya ito.
Pakiramdam niya namanhid ang buong kalamnan niya ngunit hindi ang kanyang puso, na tila sinasakal ng mga sandaling iyon.

Damn.

Ang sakit.

Sanay na siyang masaktan sa mga pagsusuplada nito sa pagpapansin niya pero hindi niya akalain na mas may isasakit pa pala ang pambabalewala nito. Lalo na ang huling pangungusap na binitawan nito.

May mahal na ko at hindi ikaw iyon.

Muli siyang napamura.

"That was a harsh blow to you brother."

Binigyan niya nang matalim na tingin si Ara.
"Ipagpatuloy mo lang yan' pakiki baka mo para sa pag ibig. I'm always here for you. Just don't forget to give me a call if you need  a hand to salvage your enemy." Hindi na niya pinatulan ang pambubuska ng kapatid.

***
Hanggang ngayon nagngingitngit pa rin siya kay Anton. Sukat ba namang siraan nito ang nobyo niya?

"Ano? sinabi niyang bakla si Ronald?" Humagalpak ng tawa si Helen bago muling sumimsim ng capuccino nito.

Nakipagkita siya sa kaibigan sa isang Cafe matapos niyang bumili ng regalo para kay Ronald. Monthsarry kasi nila ngayon. Dapat sana kasama niyang  pumili si Helen kaso nagtutor pa ito sa isang mag aaral nitong nahuhuli  daw sa klase.

"Pareho pala kami ng hinala."

Ang sama ng tingin niya dito.

"What?" inosenteng tanong nito.

Umayos ito ng upo. "I'm just telling the truth. Nililigawan ka pa lang ng jowa mo alam ko ng bakla iyon. Masyadong pambabae ang pabango. Naka nude liptint pa."

"Helen that's ridiculous." Saway niya. Dahil wala naman siyang napapansin sa mga pinagsasabi nito.

Ano ba itong kaibigan niya, sinapian na ba ni Anton?  "He's not gay. Hindi siya gaya ni Anton. Lalaking lalaki  ang Ronald ko." Pagmamalaki pa niya.

"Weh? Pinatunayan na sayo? Hindi kana virgin? Magaling ba?"

Pinandilatan niya ito. "Helen!"

Humagalpak ito ng tawa. Ang babae talagang ito. Nasabing licensed educator pa naman ang bunganga naman napaka halay. Naka uniporme pa naman.

"Ano nga? Di ba ni minsan hindi pa kayo naghalikan no'n puro sa pisngi lang. Ano kayo teenager?" Naiiling pa ito habang pasimleng tinusok ang slice ng chocolate cake sa platito niya. "Sakin na lang to ha"

"At isa pa, hindi mo maidadahilan sakin na halos tatlong buwan mo ng kilala yang nobyo mo para masabing hindi berde ang dugo nyan. Baka lang nakakalimutan mo kaya ipapaalala ko lang sayo Bes, si Anton. Two years mong nakarelasyon bago mo malaman na bakla. And take note, hindi mo siya nahalata. Nabisto mo lang." Muli itong sumungkit sa platito niya. "Ang sarap pala ng cake nila dito. Waiter!"

"Iba si Ronald kay Anton." Giit pa rin niya. Ano bang problema ng mga tao sa paligid niya, mga masyadong judgemental.

Nagkibit balikat ang kaibigan. Hinayaan na siyang manalo sa argumento. Kilala siya nito, batid nitong wala rin naman makakapag pabago nang paniniwala niya.

"Anyway, ano ba yang napili mong regalo sa kanya." Inginuso nito ang paper bag na nasa mesa.

Napangiti siya. Naibsan ang inis na naramdaman ng maalala ang kasintahan. "T-shirt. Paborito niya."

Babaeng Malas Sa LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon