"Tapos na po ako!"
Maligayang sambit ko kay Nanay Rosa na kasalukuyang nagluluto ng merienda para sa buong pamilya at sa mga tauhan ng pamilyang Aldeguer.
Nilingon ako ng matandang babae at hindi na ako nagulat nang makitang nanlaki ang kaniyang mga mata.
"Mira! Ano ka ba namang bata ka! Kay dumi-dumi mo na! Ano 'ga ang nangyari sa iyo? Aba'y nagtanim ka lang naman!" Gigil na sigaw ni Nanay Rosa habang ako naman ay napahalakhak.
"E, Nay, napasarap ako sa pagtatanim, pati yung malalalim na parte ng lupa, binungkal ko na rin!" Paliwanag ko. Umiling si Nanay Rosa at bumalik sa pagluluto habang tinatatalakan pa rin ako.
"Siya, siya! Magpaalam ka doon kayla Ma'am at Sir! Humiram ka muna ng damit doon sa dalaga nila!"
Ako naman ang nanlaki ang mata. Si Winona? Naku! Ayaw ni Winona na may nangingialam ng gamit niya.
"A-Ah, hehe. Huwag na lang, 'Nay. Baka kung ano pa isipin ni Winona."
"What would my daughter think, hmm?" Napalingon kami ni 'Nay Rosa sa nagsalita at laking gulat ko nang makita ang babaeng amo namin.
Dali-dali akong yumuko bilang respeto.
"Magandang hapon po!"
Nakita kong ngumiti ang babaeng Aldeguer at ako naman ay natulos sa kinatatayuan. Ang ganda ni Winona at hindi kataka-takang galing ito sa kaniyang ina. Nagniningning ang kaniyang karikitan at kahit pagod ako, natagpuan ko na lang ang sarili ko na ngumingiti.
"Kamusta ka, hija? At bakit ang dumi mo?" Aniya at ibinaba ang brief case bago humalik sa pisngi ni Nanay Rosa at nagmano. Galing siguro siya sa korte. Pamilya ng abogado at doktor ang mga Aldeguer. Si Ma'am Porscha ay abogado at si Sir Benedict naman ay isang neurosurgeon.
Sa dalawa nilang anak, si Winona ang nagbabalak na mag-Medisina at ang lalaking anak naman nila ang nagnanais na mag-abogado.
"Naku, Porscha, pagsabihan mo nga itong si Mirasol. Napaka-sipag at hindi na yata alam ang salitang pahinga! Hayan, nagbabad na naman sa hardin niyo! Tatlong oras na nawili sa katatanim! Wala pa namang dalang pamalit! 'Susme!" Talak ni Nanay Rosa. Napangiwi naman ako at niyakap sa beywang ang matanda.
"Si Nanay talaga, sumbungera! Ang puso niyo..." Hagikhik ko at napatawa rin si Ma'am Porscha.
Isa si Ma'am Porscha sa pinakamababait na taong kilala ko. Siya at ang kaniyang asawa ang nagpapa-aral sakin sa eskwelahan nila Winona at siya rin ang nagbigay ng trabaho sakin dito sa mansiyon nila kaya naman malaki talaga ang utang na loob ko sa kaniya.
"Mira's right, Nanay. Don't worry over her. Besides, she can borrow Winona's clothes or we'll buy her some. The sun's setting so I believe you should just stay the night."
Napamaang ako at dagling winasiwas ang kamay ko, tumatanggi. "Huwag na po, Ma'am! Hindi naman po malayo ang bahay ko. Saka, malinis pa po ang damit ko, may kaunting lupa lang."
"It's fine, Mira. You know you're like a part of our family."
Napalingon kami sa pinannggalingan ng boses. Si Sir Ben!
"Hi, Honey!" Masayang bati ni Ma'am Porscha sa asawa.
"Hi, Hon. That smells good as always, Nanay." Bati rin ni Sir kay Nanay kapagkuwan ay bumaling sakin nang nakayakap ang beywang sa kabiyak.
"You should just stay, Mira. The weather's not going to be good later and your house is on the other side of the city. I offered you countless times to just live here since we'll take care of you, right?"
BINABASA MO ANG
In A Garden Full of Eve
Roman d'amourThey fell in love, even if they're not supposed to. They hurt each other even if they meant not to. Will this go on forever? Or it will stop, but they'll end up losing one another. mira x alfaro [oneshot story] cover by: @insomnia_everyday