Chapter 1

169 5 3
                                    


Chapter 1

KALLA ORIENT

"Okay! Ipapamigay ko na ang test papers niyo sa History!" Umiiling-iling na sabi ni Ma'am Lani.

Medyo confident naman ako na mataas ang score ko. Hindi naman sa nagmamayabang ako ah. Nakinig lang talaga ako kay ma'am nung naglelecture siya kaya good to go ako dyan!

Isa-isa ng tinawag ni maam ang mga may-ari ng papel hanggang sa tinawag na niya ako.

"Ms. Orient"

Lumapit ako sa kanya saka lumiwanag ang kanyang mukha.

"Congratulations, Ms. Orient"

Dahil sa sinabi ni maam ay napatingin agad ako sa score ko.

87/100

Hinarap ako ni maam sa mga kaklase ko.

"Okay class! See you on summer! Well, except for Ms. Orient. Siya lang ang nakapasa sa klaseng 'to"

Nanlaki ang mga mata ako sa balitang 'yon. Sabay-sabay kong narinig ang reklamo at iyak ng mga kaklase ko.

"Sana all pasado"

"Naol matalino"

Sana all kasi nag-aaral diba? Ganyan-ganyan kayo samantalang nung nagdidiscuss si maam, napakaingay niyo.

"'Yan lang naman ang pakay ko sa inyo ngayon. Adios!"

Umalis na si maam habang nangingiyak-ngiyak ang mga kaklase ko.

Bakit kasi hindi sila interesado sa History?

Ganda-ganda nga eh. Nakaka-enjoy basahin at pag-aralan.

At dahil nagpaalam na ang mahal naming guro, lumayas na rin ako ng room at dumiretso na sa library.

As usual, kumuha ako ng history book at nagbasa-basa habang nakaupo ako sa tapat ng bintanang nakabukas.

Humangin nang malakas at napatingin ako sa labas. Ang payapa tingnan ng lungsod. Ang sarap pakinggan ng ingay ng mga dahon sa puno tuwing humahangin.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko ng libro. Minsan talaga nakakatawa yung mga nangyari sa past. Hindi mo akalain na mga gano'n pa lang mga pangyayari.

"Miss"

Napatingin ako sa student assisstant dito sa library.

"Closing na"

"Ah ganun? Sige pala. Hihiramin ko 'tong book na 'to"

Tumango-tango lang siya at saka tumalikod na.

Lumingon ako sa labas. Maliwanag pa naman?

"Kuya, bakit ang aga magsara ng library?"

"Half day lang kami kapag Linggo"

"Ah okay"

***

Naglakad-lakad na lang ako sa mall at dumiretso ako sa bookstore para tumingin ng mga books.

Malamang, Kalla. Bookstore nga.

Nagtingin-tingin ako kung may bagong labas si Ambeth Ocampo. Well, trusted ko na siyang author pagdating sa kasaysayan ng Pilipinas.

Tofuuuu!

I'm so in love in Philippine History! Why oh why?!

Halos magningning ang mga mata ko nang may makita akong kopya ng José Rizal na manga version na ginawa pa ng isang Japanese.

The Return of Philippine HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon