Chapter 3

159 8 8
                                    


Chapter 3

KALLA ORIENT


Tumawa ako ng malakas. Pinagloloko talaga ako ng mga ito.

Jose Rizal? Andres Bonifacio? Antonio Luna?  Ano 'to? Isekai?

Kaloka!

"O siya! Kayo na ang bahala sa mga buhay niyo. Tuloy niyo lang 'yang trip niyo. See you when I see you!"

Sumakay na ulit ako sa kotse ko. Pinaandar ko ito ng kaunti at saka sumilip sa kanila.

"Nga pala! Tumabi kayo habang naglalakad baka mabangga pa kayo ng iba riyan!"

"Anong tawag sa ginagamit niya?"

"Pero may apat na gulong. Hindi kaya ito ang makabagong uri ng transportasyon?"

"Ibig mong sabihin 'yan ang bagong carromata?"

"Ang kabayo ba ay ginawa nilang lata?"

"Paano naman nila gagawin iyon?"

"Maraming nagagawa ang siyensya, Bonifacio!"

"Sapagkat ang nagpapatakbo sa isang carromata ay kabayo, baka nga ginawa nilang lata ang kabayo upang tumakbo ang isang 'yan," ani pa ng Supremo.

"Latang Kabayo? Paano 'yon?" Tila nabibiglang sabi ng doktor. 

"Maaaring ang kanilang naging inspirasyon sa paggawa niyon ay ang mga kabayo ngunit imposible na ang mismong kabayo ang nariyan." Dagdag niya pa.

Tumawa nang bahagya ang ating bayaning chemist. "Hindi natin alam, mga kapatid. Tayo ay nasa bagong Pilipinas. Napakarami na nang mga pagbabago. May mga kemikal na maaaring nakapagpapakilos sa bagay na iyon," paliwanag pa ni Heneral Luna.

Napakinggan ko pa ang huli nilang pinag-usapan bago ako umalis. Natawa ako sa sinabi nila.

LATANG KABAYO?!!

Hindi ba talaga sila nagbibiro?

Napailing na lang ako. Lakas ng trip ng mga 'yon.

***

Sabi ko hahayaan ko na silang gawin ang gusto nilang gawin pero heto ako at sinusundan 'yong tatlo. Pumila sila papasok ng mall. Medyo naririnig ko rin ang kanilang pinag-uusapan.

"Ano kaya ang lugar na ito?" Tanong ni Dr. Rizal daw habang nakapila sila.

"Rizal, isa kang henyo, hindi ba? Nararapat lamang na alam mo ang tawag dito. Ito ay isang makabagong mansion!" Proud na sabi ni Bonifacio.

"Oo nga! Napakaganda naman ng makabagong mansion na ito. Tingnan niyo sa loob. May mga kwarto kaagad pagkapasok," natutuwa pang sabi ng heneral.

"Bakit wala silang silid tanggapan?" Tanong muli ng doktor.

"Dahil nasa makabago na nga tayong panahon. Baka bago na ang pananaw ng mga tao," sagot naman ng Supremo.

Nanlaki ang mga mata nila nang kusang bumukas ang pinto ng mall.

"Paano bumukas ang pintong 'yon?"

"Wala naman tayong hinawakan!"

"Isa pa! Gawa sa salamin ang pinto!"

"Mahusay! Napakahusay!"

Limang tao ang layo ko sa kanila kaya yung mga nasa harap ko ay nawe-weirduhan na sa kanila.

The Return of Philippine HeroesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon