What Makes You Perfect

78 7 0
                                    

Prologue

<Someone’s POV)

Nadito na siya. Ang babaeng pinapangarap ko. Ang nag-iisang babaeng nagpatibok ng puso ko. Ang rason kung bakit sinisipag pa akong pumasok at mag-aral. Woah! Ang baduy  nun ahh. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito ng dahil sa kanya. Pinipilit ko pa ngang magpakatino ng dahil sa kanya. Para mapansin niya. Gusto ko na ngang umamin sa kanya. Ang daming beses ko nang pinag-praktisan at pinag-planuhan ang pag-amin sa kanya pero lagi na lang sumasablay. Lagi na lang palpak. Naurong kasi ang dila ko kapag kaharap ko na siya. Kaya kung anu-ano tuloy ang nasasabi ko. Tapos iba pa ang dating sa kanya., yan tuloy lagi siyang naiinis sa akin. Akala niya siguro ay niloloko ko siya. Kaya iniiwasan niya ako. Hay

Tahimik ang lahat habang pinagmamasdan siya. Kitang kita sa mata ng mga babae ang inggit. Bakit nga naman hindi eh lahat ng lalaki ay sa kanya nakatingn kahit yung mga may syota na. Nakakainis! Ang sarap dukutin ng mata ng mga gagong ito. Ako lang ang pwedeng tumingin sa kanya.

Habang pinagmamasdan ko siya,napansin kong sa sahig na naman siya nakatingin at para bang hiyang hiya pero imposible yun. Ano ba naman kasi ang dapat niyang ikahiya? She’s perfect. She has biig brown eyes na di nakakasawang tingnan. Ang haba ng maganda niyang buhok. Makinis ang kanyang balat. Ang puti pa! Tapos ang sexy pa niya. She’s slim like a model but she has curves on all the right places. Oy, baka kung ano ang isipin niyo sa akin. Hindi ako manyak pero di niyo maiialis sa aming mga lalaki ang mapansin ang mga ganung bagay. Pero what made me fall in love with her is her smile. Ilang beses ko pa lang siya nakikitang ngumiti pero sapat na yun para mabighani  ako sa kanya. When I saw her smile,para bang nnagliwanag ang mundo ko. Daig pa niya ang anghel kung ngumiti kasi pati mata niya ay nakangiti. Tapos kahit smile lang ay nalabas ang kanyang dimples.

Ang isa pang dahilan ay dahil kakaiba siya.  She’s unique and extraordinary. Wala kasi siyang srte sa katawan. Simple lang siya and that’s what made her special.

Pinagmasdan ko siya hanggang sa makaalis siya.

I will do anything para mapansin niya. Para mapalapit sa kanya. Hindi ako papaya na maunahan ng ibang lalaki.

I like her. I really really like her.

What Makes You  PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon