Chapter 2 -Saved by Superman-

96 6 0
                                    

Chapter 2

You wouldn’t believe me kapag sinabi ko kasi ako mismo ay di makapaniwala. Ang lalaking nasa harapan ko ay walang iba kundi si Ethan Alcantara lang naman!

Nakatayo sya sa harap ko at nakatitig lang sa akin kaya tumungo na lang ako. Ayaw ko talaga ng eye contact. Ayaw kong maging center of attention. Ang awkward kaya. Kaya nga okay lang sa akin ang maging loser para walang nakikialam sa akin kasi para sa kanila ay invisible ako.

Dineadma ko na lang sya.

“Ahem ahem” papansin niya pero di ko pa rin siya pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagkain hanggang sa maubos ko ang pagkain ko.

“Ang takaw mo naman pero bakit hindi ka nataba?” usisa niya at dahil dito ay binagsak ko ang kutsara’t tinidor ko sa plato ko.

Ang kapal naman niya na pumunta dito para lang pulaan ang pagkain ko tapos ngayon dahil nasa harap ko siya, pinagtitinginan tuloy kami. Haist. Nakakainis!

Tumingin ako sa kanya ng masama pero nakipagtitigan din siya na may kasamang ngiti. Pero as usual talo ako kaya ako ang unang umiwas ng tingin.

“Ano ba ang kailangan mo?” naiiritang tanong ko sa kanya.

May sinabi siya na hindi ko narinig kaya tinanong ko siya ulit. “anong sabi mo?”

“wala. Tsaka paano mo naman nasabi na may kailangan ako? Porke ba lumapit ako ay may kailangan na agad?”

“Eh ano pa ba ang dahilan para lumapit ang isang tulad mo sa akin?”

“Isang tulad ko? Ano ba ang isang tulad ko sa iyo?”tanong niya sa akin

“Pwede ba, wag ka nang magpaligoy-ligoy pa. sabihin mo na nga kasi kung ano anag kailangan mo sa akin.”

“Wala nga akong kailangan”

“Eh bakit ka nadito?”

“May gusto kasi akong sabihin.”

“Ano yun?” nacurious naman ako. Ano naman kaya ang sasabihin ng isang Ethan Alcantara sa isang katulad ko?

Hindi siya nasagot at para bang kinakabahan.

“Ano nga?” ulit ko.bwisit na toh, pabitin pa. may gusto daw siyang sabihin pero di naman naimik. Lalo tuloy akong nacucurious.

“Gusto.. Pw..Pwede bang… kasi may.. pwe.” Pautal-utal niyang sagot. Bakit naman kaya ito nagkakaganito. Parang kabadong kabado tapos pinagpapawisan pa. Kung anu anong bagay tuloy ang pumasok sa isip ko.

May gusto kaya siya sa akin? Di ba sabi ni Aya ay nakatingin siya sa akin kanina? Kaya ba siya lumapit ay para umamin at magpaalam manligaw?

Hay naku, napaka-assuming ko talaga. Bakit naman niya ako magugustuuhan? Ang dami daming mas magaganda at mas sikat na babae sa akin so bakit nga naman ako ang pipiliin niya?

“Ano ba kasi yun?” naiiritang tanong ko sa kanya pero ang totoo ay kinakabahan ako. Sobrang bilis nga ng tibok ng puso ko. Ano ang sasabihin ko kung tanungin niya ako kung pwedeng manligaw? Ano ang magiging reaksyon ko? Hindi ko naman siya type eh. Baka masaktan lang siya,  tapos bestfriend pa niya ang gusto ko.

Na-interupt ang pag-aasume ko nang magsalita na siya.

“Pwede bang magpatulong manligaw kay Meg?”

 Bwahaha, napaka-feeler ko talaga. Ako na, ako na talaga ang assuming. Of course tungkol na naman kay Meg ito. Lagi naman eh. Kaya lang naman may nalapit sa akin ay dahil sa pag-aakalang magiging kaclose nila si Meg pag lumapit sila sa akin which is impossible kasi kahit kami mismo ay hindi close.

What Makes You  PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon