chapter 3 -Superman's words-

56 7 0
                                    

Chapter3

“Aba aba, good mood ka yata. At bakit abot langit yang ngiti mo?” bati sa akin ni Aya pagkatanggal niya ng headset na nakasalpak sa tenga ko.

“O.A mo naman. Abot langit agad? Di ba pwedeng abot tenga muna”  Hays, di pa din ako makaget-over sa kilig moment namin ni Paul kahapon. Kilig to the bones pa din ako.

“Wag mo nga akong dalihan ng mga ganyan! Di ka si Vice Ganda! Sumagot ka ng matino” saway niya sa akin

“Porke ba nakangiti kailangang may dahilan? Di ba pwedeng trip trip lang?”

“Mag-isa kang nakaupo dito, nakikinig ng senting music pero sobrang saya mo tapos sasabihin mo na walang dahilan. Ngayon tatanungin kita, okay ka lang?”

Nakikinig kasi akong ng music sa ipod ko habang hinihintay siyang dumating. Ngayon ko lang na-realize na breakeven pala yung tugtog. Sobrang lakas pa. Kahit kasi hindi nakasalpak sa tenga ko yung headset ay rinig na rinig pa din naming ang music. Pagkapatay ko ng ipod ay kinulit na naman ako ni Aya 

“Sabihin mo na kasi. Bakit ang saya saya mo eh parang kahapon lang eh sambakol yang mukha mo tapos  kinabog mo pa ang matandang nagmemenopos sa katarayan.” 

Tumingin ako sa kanya at imbes na sagutin ko siya ay tumawa lang ako ng malakas. Napatingin naman sa akin ang mga kaklase ko.

“Hoy ALEXSACHA! Ano ba ang nahithit mo at high na high ka? Magtigil ka na nga! Sarap mong kaladkadin papuntang mental!” Alam ko namang hindi ako titigilan ni Aya pero hindi ko din pwedeng sabihin sa kanya ang tungkol kay Paul. Mapapagkatiwalaan siya pero ang bibig niya ay hindi. Wala kasi yung preno. Kaya baka malaman pa ng buong mundo pag sinabi ko sa kanya. Ang sinabi ko na lang sa kanya ay ang aking plano na naisip kagabi.

“Meron kasi akong  BRIGHT IDEA! TIIIIING” oh di ba may sound effect pa, para mas effective. Bwahahahaha.

“Juskopo lord, bakit po ba inaatake na naman ng kabaliwan itong bestfriend ko? Pwede po bang pakihigpitan ng kanyang turnilyo para maalis na ang tililing!”

“hoy! Tililing ka dyan! Hmp. Anyways, masaya lang ako kasi may naisip akong bright idea kung paano maiiwasan ang chismisan ng mga schoolmates natin.” Aba, genius ata akoh, bigla na nga lang pumasok ito sa utak ko kagabi.

“Paano?” nagtataka nyang tanong

“TSENEN!” ihinarap ko sa kanya ang ipod ko.

“Isa pa ALEXSACHA at maitatapon na kita sa mental. Pwede ba sumagot ka ng ayos. May pasound epek ka pang nalalaman dyan ay mukha ka namang shonga.”

“Hmp. Ang K.J mo!” nagpout ako sa kanya.

“oh, ano naman ang kinalaman ng ipod na yan sa problema mo?” tanong niya

“ang slow mo naman!” comment ko sa kanya. Pang-asar lang. Ganti-ganti ba. Bwahaha

“Wow, thank you ha. Sorry na din kung di ako nakakaintindi ng mga may tililing, hindi kasi ako baliw!” napakasarcastic talaga neto

“Sus, ito naman, di na mabiro. Kasi di ba pinagchichismisan ako tapos parang lalo pang lumalakas kapag nadating ako kaya magiipod na lang ako kapag walang klase, kapag naglalakad o kapag wala ka para di ko na marinig ang sinasabi nila. Oh di ba, ang ganda ng plano ko genius ata toh!”

“Genius agad? Di ba pwedeng may topak lang talaga?” ang sarcastic talaga nito “ Eh, sa mag-ipod ka, di mo nga sila naririnig pero di pa din sila matitigil sa pagchichismisan tungkol sayo, lalo na kung buntot ng buntot sayo si Ethan.”

“Relax lang! Genius nga ako di ba, kaya napag-isipan ko na yan. Syempre iiwasan ko sya kaya kailangan ay lagi akong alert, kaya ang pagtutuunan ko ng pansin ay ang pag-iwas sa Ethan na yun at hindi ang masamang tingin sa akin ng mga kaklase natin.” Sabi ko sa kanya with a smug look on my face “oh diba”

What Makes You  PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon