CHAPTER 12

3.3K 31 4
                                    

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Parang isang oras lang ang dumaan sa aking buhay ay kailangan ko na ngang ibigay ang sagot kay Elli. Pinagisipan kong mabuti ang desisyon kong ito. Sigurado na ko.

Nilingat ko muna ang paligid before I dialed his number. Breaktime at walang tao sa office. Lahat sila lumabas para kumain.

"Elli." i said when someone pick up on the other line

"Maca!"

"I've made a decision."

"And... what would that be?"

I pause in silence. Sure na sure na ba to? Final answer na ba? Kaya ko na ba talagang makipag eye ball?

"Payag na kong makipagkita sayo."

"Talaga?" halata sa tinig niya ang excitement

"Oo. Sa may Dainty Restaurant malapit sa may bullet train terminal. Alas kwatro ng hapon bukas. Sasabihin ko sayo kung anong kulay ng suot ko."

"Sure. See you then!"

I hung up the phone. Nabigla ako ng biglang sumigaw si Boss Elliot sa loob.

"Yes! Yes! Yes!" nagtatalon pa sya sa tuwa paglabas ng office at saka sumayaw sayaw

"Whooo!" napatigil sya ng mapansing hindi siya nagiisa.

Feeling ko ako pa yung napahiya dahil nakita ko siyang sumasayaw. Nginitian ko na lamang siya.

"S-s-so....." he cleared his throat

"Mukhang meron na naman po kayong client for printing ah." sabi ko na lang para naman hindi siya masyadong mapahiya

"Ha? Ahhh.. oo.. oo, kaya masaya ako. Mag lunch ka na! Wag kang magpapagutom ah." aniya at saka lumabas na

Anung meron dun? Mukhang malaki laking isda ang nabingwit niya ah.

Maaga kameng pinauwi ni boss Elliot kaya may oras pakong makabili ng damit. Hindi aabot bukas kung magoorder ako online kaya no choice na naman ako kundi bumili sa may mall.

I browse my contacts and dialled jesse's number.

"Anong kailangan mo?"

"Kinakamusta ka."

"Hindi mo ko maloloko sa kadramahan mo, alam kong may kailangan ka."

Kilalang kilala talaga ako ng babaeng ito.

"Gusto ko talagang kamustahin ka pero since nabanggit mo na rin yan, pwede mo ba kong samahan sa mall?"

"May social life ka na ngayon?"

"Gusto kong bumili ng damit."

"Saan mo gagamitin?"

Ayoko talagang tawagan ang babaeng to kundi lang no choice. Pano ba naman kasi, napakaintrimitida! Ang daming tanong!

"Kung ayaw mo ok lang." i was about to end the call nang bigla syang magsalita

"Wait. Sige, magkita tayo. Bihis lang ako."

"Sige."

I end the call. Hindi rin ako matitiis nang babaeng yun. Mahal niya ko e. To tell you honestly, Jesse is a lesbian and she has lover. Kaya kame nagkasundo dahil ako lang daw ang nakakaintindi sa kanya. Sa mga problema niya at pinagdadaanan niya sa buhay. Dahil sa pagiging broken hearted niya sa isang lalake ay sa babae naman sya pumatol. Dun niya natagpuan ang tunay na pagmamahal. Minsan nga natatanong ko sa sarili ko, does gender really matter when you're inlove?

I've waited for thirty minutes bago dumating si Jesse. She is wearing a blue spaghetti strap and a military pants saka siya nakashoes. Nakapusod ang buhok niya kaya kitang kita ang napakaraming hikaw na halos wala ng mapagtusukan sa kanyang tenga.

"Yo! Long time no see."

"Long time no see."

"Anu ba ang bibilhin mo dito?"

"Dress." napatingin siya saken na parang hindi makapaniwala

"Anung meron at nagdedress ka na ngayon?"

Iniwan ko na sya at pumasok sa loob. Ayokong magexplain. Habang naglalakad kame ay kitang kita ko ang mga nagluluwaang mata ng mga salesmen at saleslady. Pano ba naman kasi, cleavage pa lang ni Jesse ulam na.

"Eto na lang." ani Jesse

Iniabot niya saken ang isang red knee dress na hapit na hapit sa bewang. It looks decent and a little seductive. Pwede na siguro to. Nang makuntento sa itsura ay agad namin binayaran ang damit sa counter saka ko siya tinreat ng pagkain at kinwento ang lahat sa kanya.

"Mag-iingat ka! Baka mamaya mabudul budol gang ka ah!" Jesse assuring everything

"Mabait naman siya." at manyak, i thought to myself

"Baka mukha lang mabait yan pero pag nakilala mo na, daig pa si hudas." napangiti ako. she got a point pero pakiramdam ko mabuting tao si Elli

"Kapag nagkita kayo, itext mo agad ako." i know she's worried

"Oo sige."

Kinagabihan ay hindi ako makatulog dahil sa sobrang excitement. First time kong makipagmeet. I didnt talk to Elli that night. Gusto ko kasing magisip hanggang sa makatulog ako.

.

.

.

Kinabukasan ay maaga akong nag-ayos para hindi ako malate sa meeting namen. Marami na rin ang tao pagdating ko sa Dainty Restaurant. Ang sabi niya ay baka malate sya ng five minutes kaya naman maghihintay na lang ako. I remove my coat as soon as I sit on the chair. Binigyan ako ng tubig ng waiter at saka ko sumenyas na mamaya na lang ako mag-oorder. Naman oh! Parang kinakabahan tuloy ako. Umupo ako patalikod sa may entrance, ayokong makita niya agad ang mukha ko. Lalapitan naman ako nun basta alam niyang color red ang suot ko. Maya maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Good evening Sir." bati ng waiter

Jusko po! Lumalakas ang tibok ng dibdib ko. Naramdaman ko ang mga yabag niyang papalapit sa pwesto ko. I focus my gaze outside. Breath beauty in, breath stress out.

"Excuse me, are you Maca?" i heard a voice behind me

Nilingon ko siya. I could tell that were both surprised. Ang kaninang tibok ng puso ko ay naglahong parang bula. Ang excitement at kaba ay napalitan ng takot at pagkalito, samu't saring damdamin ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag. Gusto kong tumakbo at gusto kong ibalik ang oras. Gusto kong magsalita pero para akong natuyuan ng laway sa lalamunan. I was too surprised when i saw him, gusto kong isiping panaginip lang ang lahat ng ito. But no, infact, parang tumigil ang oras. A broad chest, a musclar body that fit in his blue polo. His feature defines reality, ang kanyang buhok at ang pabangong minsan ko ng naamoy. Ang lalakeng kalandian ko sa phone at ang taong ginagalang ko sa trabaho.......

"C-carol?"

"B-boss?"

......iisa?

To be continue..

DIRTY SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon