CHAPTER 33

942 16 3
                                    

Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Ang makaramdam na may taong nagpapahalaga sayo. Sanay akong mag-isa at walang nag-aaruga. Lumaki akong tumatayo sa sarili kong paa kaya hindi big deal kung may galit man sa akin o wala. Hindi rin ako sanay ng may sumusuyo sa akin sa tuwing galit ako. Sanay akong mag-isa. Pero nung nakilala ko si Elli, pakiramdam ko ay bigla akong nag-iba.

"Carol, are you alright? Namumula yang mukha mo oh." untag ni Elaine

Di ko mapigilan ang nangingilid na luha sa aking mata.

"I'm o-okay."

"You must be happy. I am so glad to see you like that." nakangiting wika ni Elaine

Bumalik ako sa aking upuan at palihim na tumitingin sa pintuan ng office ni Elli. What is he doing right now? Gusto ko pa sanang mag-inarte but I think I should atleast leave him a message now. I was so happy because of the flower at tila nakalimutan ko lahat ng inis ko kagabi sa kanya. Para bang nananaginip ako sa sobrang saya. Tinapik ko ng bahagya ang aking mukha.

"Ahh, wag ka masyadong magpadala sa kanya Carol." I told myself

I immediately pulled up my phone and started typing a message.

I love the flowers! Thank you!

I almost hit send but then deleted it right away.

Thanks for the flowers. Dinner?

I felt like it was too much to invite him for dinner after being so ridiculous. I guess I'll just wait for him after office hours para kausapin siya. I decided not to send him any message because I do not want to do things that I might regret later. It's better to tell it in person instead.

I decided to get some coffee at the pantry since it's already 4pm. Isang oras na lang ay uwian na. Hindi ko na rin nakita si Elli na lumabas ng office niya. Madalas kasi e busy ang taong iyon. Gusto ko man tanungin si Elaine na secretary niya ay hindi ko naman magawa dahil baka mag-isip ito ng kung ano.

"65 pesos po ma'am."

Iniabot ko sa kahera ang bayad at pagkatapos ay ibinulsa ang sukli. Palabas pa lang ako ng pantry ng biglang may makasalubong ako sa pinto na tumatakbo. Muntikan ng matapon ang kapeng hawak ko dahil sa gulat kundi lamang ako napaatras.

"I-im sorry. Pasensya na."

Mabuti na lang at kaunti lang ang natapong kape sa may kamay ko. I was about to get my handkerchief pero wala ito sa bulsa ko. Weird. I always put my handkerchief in my pocket. Malamang ay naiwan ko ito sa mesa ko.

"Here. Let me wipe it for you."

Napatingin ako sa lalakeng nagpupunas ng kamay ko kung saan natapon ang kape. He doesn't look familiar to me. Probably a newbie from another department. Pasalamat ka, good mood ako ngayon. Ngumiti ako sa kanya.

"I'm okay. Thanks. Just be careful next time." sagot ko at saka umalis na.

Normally ay hindi na agad maipinta ang mukha ko kapag ganun ang nangyari at talagang magtataray ako lalo na kung hindi ko ito kasalanan. Pero wala ako sa mood magalit ngayon dahil natutuwa pa rin ako sa mga flowers na nareceive ko mula kay Elli.

Pagkapasok ko pa lang ng department namin ay sinalubong na agad ako ni Andres, isa sa mga katrabaho ko.

"Carol, someone's looking for you."

Napalingon ako. Bakit ba ang daming naghahanap sa akin ngayon?

"Sino?"

"Naroon sa may visitor's area." ani Andres at saka itinuro ang babae na tahimik na nakaupo sa may couch. Nanlaki ang aking mga mata at parang may mga dagang nag-unahan sa aking dibdib. How could I forget Elli's mother?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DIRTY SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon