SPECIAL CHAPTER : REMINISCE

3.3K 27 0
                                    


An.
.
.
This is Maria Carolina's biography when she was 5years old hanggang sa makalabas sya ng children welfare.
.
.
Isang espesyal na chapter mula nung siya ay bata pa. A picture of her childhood is on the side ♥
.
.

Cheek Author :)

Special Chapter : Reminisce

Limang taong gulang ako noon nang masaksihan ko ang malagim na pangyayari sa mismong mansion na tinitirhan ko.

Malalim na ang gabi ngunit walang tigil ang pagpatak ng malakas na ulan. Madilim at nakakatakot ang kulog. Parang may delubyong darating.

"Kamusta na kaya sina ate at kuya sa states?"

Pinagbakasyon kasi sila ni Papa doon samantalang ako naman ay nagpaiwan dahil hindi rin naman nila gustong makasama ako sa pagbabakasyon sa ibang bansa.

Nakarinig ako ng ingay sa labas kaya tumayo ako at lumabas.

"Mama? Papa?" tawag ko sa kanila ngunit walang nagsasalita

Nakita kong may siwang ang pinto sa may kwarto nila kaya sumilip naman ako. Madilim at umuulan kaya hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi nila. Bigla ko na lamang narinig ang putok ng baril at bumulagta ang isang lalake sa sahig. Napansin nila kong nakasilip sa may pinto kaya naman agad lumapit saken si papa at binuhat ako pabalik sa may kwarto ko saka nilock ang pinto. Tulala ako ng gabing iyon at naririnig ko ang ingay sa labas. Ang pagtatalo at pagiyak ni mama. Hindi ako nakatulog at takot na takot ako. Ngunit kahit isang patak ng luha ay walang bahid sa aking mukha.

Kinaumagahan ay maraming tao sa bahay. Mga nakaitim na lalakeng hindi ko kilala at mga unipormadong lalakeng naka- gloves ang mga kamay habang nilalagay ang kulay dilaw na tape sa paligid ng bahay. May suot silang sumbrero katulad nung napapanuod ko sa tv at kinakausap nila si Papa at mama. Maya maya ay si kinausap din nila si Yaya Mileng. Nakaupo lang ako sa isang tabi nang may lumapit saken na isang babae na pareho ang suot sa mga lalake.

"Kamusta?" nakangiting tanong niya

Hindi ako nagsalita at tumitig lang sa kanya. Itinimo saken ni papa na hindi dapat ako nakikipagusap sa mga stranger.

"Wag kang matakot. Kaibigan ako." aniya pero hindi pa rin ako nagsalita. Nang walang makuhang sagot ang babae ay kinausap niya ang isang matandang lalake.

"I think she's in trauma. Mas makakabuting hindi muna siya mananatili sa bahay na ito."

"So you suggest to put her in children welfare?"

"Sa palagay ko yun ang tama."

Napatitig na lang ako sa aking ina. Namamaga ang mga mata niya at hindi sila naguusap ni papa. Ang pag-iibigan na nasaksihan ko simula nung magkaisip ako ay parang naglahong bula.

Nagdaan ang ilang araw at gabi na natutulog at nagigising ako dahil sa malakas na ulan. Kasama ko ang ibang bata sa isang napakalaking kwarto.

"Hindi ka ba makatulog?" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses pero hindi ako nagsalita

"Gusto mo magkape? Halika magtimpla tayo!" sabi niya

"Lalo tayong hindi makakatulog nun." sagot ko

"Ang lola ko pag nagkakape, mabilis pa sa alas kwatro ang tulog. Halika! Dun tayo sa kusina."

Tumayo ako at sumunod sa kanya. Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Jesse. Sya ang karamay ko sa lahat at nakakausap ko sa lugar na iyon. Tatlong taon akong nanatili sa lugar na iyon hanggang sa maging walong taong gulang ay muli akong bawiin nina papa at mama. Magkasama silang sumundo saken pati na rin sina ate at kuya ay kasama pero bakas sa mukha nila ang pagkadismaya ng makita ako.

DIRTY SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon