Maaga akong nagising para pumasok sa trabaho. Nilalagnat pa rin ako pero kaya ko ng pumasok, isa pa, wala rin naman akong gagawin sa bahay.
Isang araw lang ang lumipas pero parang ang dami ko ng naiwan na trabaho.
"Miss Maria Carolina Sandoval?" tanong ng delivery boy na kakapasok lang sa printing department
Napatingin ako.
"Ako po iyon." sagot ko
"Delivery for you mam." nakangiting sabi nito sabay abot ng flowers
"Hindi naman po ako nagpadeliver."
"Ha? Pero sa inyo po nakapangalan."
nagtataka man ay pinirmahan ko ang resibo.
"Kuya sandali! Wag ka munang umalis." sambit ko
Chineck ko ang bulaklak. Siniguro kong walang nakaipit maliban sa may card na nakasulat na "FOR THE MOST BEAUTIFUL WOMAN I'VE EVER SEEN."
"Anu pong hinahanap niyo mam?"
"Baka mamaya may bomba to, naninigurado lang." nginitian ko siya nang masiguro kong wala. Napakamot na lang ito sa may ulo saka umalis.
Bumalik ako sa may mesa at narinig ko ang workphone ko na nag ring.
Unknown number calling...
Hindi ko sana sasagutin dahil hindi naman nakaregister sa may phonebook ko saka ganito yung mga napapanuod ko sa movie na pagkatapos nilang sagutin ang phone ay biglang may sasabog na para bang GO SIGNAL kaya hinayaan ko lang na magring. Maya maya ay tumigil din ito, akala ko ay hindi na sya tatawag pang muli pero nagring muli ang phone ko.
Sa ikalawang beses ay hinayaan kong muli, hindi na ito nangulit pa kaya naman nakapagconcentrate na ko sa trabaho. Maya maya ay pinatawag ako ni boss Elliot sa opisina a.k.a Elli.
"Pinapatawag niyo daw po ako boss?" tanong ko ng makapasok ako sa opisina niya
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" nakatuon pa rin ang mga mata niya sa papel na nasa kanyang mesa. Napabuntong hininga ako.
"Ayos na po. Maraming salamat po."
Hindi siya nagsalita. Dull moment kills me kaya ako na ang nagsalita ulit
"Anu po bang kailangan niyo?"
"Bakit hindi ka man lang tumawag o nagtext kagabi?"
"Ha?"
"Diba sabi ko sayo, balitaan mo ko kung makakapasok ka na, hindi yung bigla bigla ka na lang magpa-pop up sa opisina tapos may magpapadala ng bulaklak sayo. Anu yan? Mamamatay ka na ba?"
Napaismid ako ngunit pinilit ko pa rin pakalmahin ang sarili ko. Tandaan! Nasa opisina tayo.
"Pumasok naman po ako Boss kaya naisip kong hindi ko na kailangan magtext pero wag kayong magalala, hindi na po mauulit."
"Dapat lang! Pati yung nagpapadala ng flowers na yan, patigilin mo, nakakasagabal sa trabaho." masungit na sabi niya
"Sige po." hindi na ko nakipagtalo pa, mainit ang ulo niya kaya pati yung bulaklak ko, pinagbubuntunan!
"Kung wala na po kayong sasabihin, babalik na po ako sa trabaho ko."
"Hindi. Tumayo ka lang dyan. Wag kang aalis hanggat hindi ko sinasabi."
"Ha? Pero bakit?"
"Wag kang maingay, hindi ako makapagconcentrate sa trabaho."
"Pero boss, may trabaho pa ko-----"
BINABASA MO ANG
DIRTY SECRET
RomanceSadyang merong temptasyon na hindi kayang pigilan ninuman. Their dirtiest secret is about to reveal.