Chapter 27Ashi’s PoV
Magmula ng pumayag akong magpaligaw sa mokong na ito ay halos ayaw ng umalis sa tabi ko umaga tanghali, gabi nakadikit
“ ano ba treo lumayo ka naman kahit isang metro lang!!”
“hmmm hmmm hmmm ayaw ko” sabay pout pa amp!!
Pinalo ko ang noo niya para huminto sa pag papabebe, isa rin ito sa pinagbago niya mas kumapal ang mukha ng mokong
“ahahah treo distansya kasi baka mamaya hindi ka sagutin ni ashi niyan eh” ani ni kimber
KRINGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!
Isang malakas na tunog ng bell ang narinig namin, at nagsimulang magtakbuhan ang mga estudyante, teka! Anong nagyayari
“anong nangyayari!” hindi ko alam kung anonng gagawin ko bigla kumabog ng kakaiba ang puso ko
“ashi are you okay? Dito ka lang sa tabi ko”
Seryosong banggit ni treo“they are here, treo you need to get ashi out of here”
Tinanguan lamang ni treo si jhairo at mabilis na tumakbo si treo papunta sa lugar na hindi ko alam“hello? Sir Ash! Im with ashi” si kuya kausap ni treo
“dont hung up the phone ok, now get her out of here, pumunta kayo sa labas”
Sa labas? Anong ibig niyang sabihin?“s-sa labas sir are you sure?”
“basta pakinggan mo lang ako, we don’t have enough time”
“ok sir”
“kuya mag ingat kayo jan” singit ko sa pag uusap nila
“yes ashi. Wag mo kaming intindihin ikw ang mga ingat maliwanag?”
“yes po kuya”
May sinabi pa si kuya kay treo ngunit hindi ko na iyong napakinggan pa dahil para akong inantok hindi ko mapigilan hanggang sa nakatulog ako
<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>
Nanlalabo ang paningin ko
“gising na po siya”
Puting kisame, amoy bulaklak ng ilang ilang ang naaamoy ko at mga bulungan ng mga tao, nasaan ako
“miss?”
Nang tuluyan kong naimulat ang aking mga mata, una kong nasilayan ang isang babaeng may katandahan na, maamo ang kanyang mukha at makikita mo sa kanyang mga mata na hindi siya masamang tao
“teka, nasaan ako? Sino kayo?”
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nakita ko ang kabuuan ng kwarto, maganda siya, at kulay pink ang wall, halatang pangbabae at merong apat na babaeng nakapalibot sa akin, maging ang suot ko ay iba narin“huwag kang matakot ija, hindi ka namin sasaktan” sabay ngiti ng matanda sakin
"nasaan po ba ako” hindi niya ako sinagot at ngumiti lamang ulit
“malalaman niyo po kapag sumama kayo sa akin”
Inalalayan niya akong tumayo at isinuot naman sa akin ng isang babae ang kumikinang na sapatosTeka nasa palasyo ba ako, para naman akong prinsesa anito, hindi na ako umangal pa dahil mas magiging komplikado lang
Dumaan kami sa isang malawak na pasilyo na parang palasyo talaga sa ganda, palasyo nga siguro ito, hanggang sa tumapat kami sa isang napakalaking pintuan, pinagbuksan kami ng dalawang lalaki
Pagpasok ko ay bumulaga sa akin ng mga taong nakaupo sa napakahabang lamesa t-teka panaginip ba ito?
“nandito na po siya mahal na hari”
“oh Iha nanjan ka na pala, halika rito at maupo ka saluhan mo kami sa aming hapunan”
Teka? Ni hindi ko nga kilala itong mga ito, dahil hindi ko alam ang aking gagawin ay naupo na lamang ako. Kinakabahan ako sa maaari nilang gawin sakin
Hindi ako makatingin sa matandang hari na binabanggit nila naka yuko lamang ako
“Iha wag kang matakot samin, hindi ka namin sasaktan” ani ng boses ng babaeng nasa tabi ko, ngunit natatakot parin ako, pero kailangan kong tanungin kung nasaan ako at bakit nila ako kinuha
“muka pong natatakot siya ama” sabi ng isang boses lalake sa aking harapan
Hindi ko kayang iangat ang aking ulo, ano ba ashi kailanangan mong maging matapang ngayon. Nilakasan ko ang aking loob at tumingin sa kanila
isang gwapo at maamong mukha ng isang lalaki ang aking unang nakita ito siguro yung sinasabi nilang gusto akong maging asawa, at isang matandang lalaki naman ang nakaup sa dulong upuan ang kanilang hari, at isang napakaganda babae naman ang aking nasa tabi napakanda niya at mukhang bata
“nasaan po ako?” lakas loob na tanong ko kahit sobrang nanlalamig na ang aking kamay dahil sa kaba
“nandito ka sa palasyo ng mga runner” sabay ngiti sakin ng hari
Ngayon ay nanginginig na ang aking mga kamay dahil sa kaba
“b-b-bakit niyo po ako kinuha”“because we want you to marry our son, gusto ka ng anak namin para maging asawa at sususnod na reyna”
Yun na ang dahilan nila? Wala ba silang puso
“pero tinananong niyo po ba ao kung gusto kong magpakasal sa anak niyong yan”sabay turo ko sa lalaking nasa harapan ko “ni hindi kopo siya kilala sorry po sa way ko ng pakikipag usap ko sa inyo pero---”
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang tumawa ang kanilang hari ng nakakaloka, pero hindi ito yung tawang nakakatakot
“your not even my type, don’t assume” sabi ng lalaking nasa harap ko at inirapan pa ako
Nagpapalit palit ang tingin ko sa hari at sa lalaking nasa harap ko
“ano ba, Haspin huwag mo ngang tawanan ang bata, ashi hindi si tyron ang gustong magpakasal sayo kundi ang panganay naming anak, yteka lang ha” sabay ngiti niya sakin
“hilda, nasaan na ba ang panganay kong anak pakitawag nga siya napakatagal niya naman yata”
“masususnod po kamahalan”
Ilang minuto pa ang lumipas ay tila nawala na ang kabang nararamdaman ko
“kamahalan nandito na po siya”
Napatingin ako sa direksyon kung saan sila nakatingin, biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko ng makita kung sino ang lalaking tinutukoy nila
“jhairo?”
Yaan na lamang ang tanging salitang aking nabigkas bago tuluyang bumagsak ang luha sa mga mata ko
BINABASA MO ANG
Underground University
FantasyI'm just a normal girl who only dreams of finishing school, but would i regret it if the school i will be attending is underground, i mean literally under the ground --- ©All rights reserved