CHAPTER 9 the three handsomes

159 13 0
                                    

"mr. Treo quizon!!!! Tayo! "

"maam walang tayo!"

Nagtawanan namn bigla ang mga classmate ko sa sinabi ni treo ,bakit ganun yung pangalan niya

"dont joke around mr. Quizon.at wag mong kakalampagin ang door kung papasok ka!!! Where is your manners"

Wow akala ko papalagpasin niya lang kasi pogi eh

"eh maam wag masiyadong magalit ang ganda ganda niyo pa man din ngayon.nakakabawas ng beauty"

Naghagikgikan naman ang mga classmate ko pero mahina lang kahit ako natawa

"hmm ganon ba?!"sabay hawak ni maam sa muka niyang puro wrinkles

Tumango naman si treo na parang concern na concern

"hayy nako umupo kana nga mr. Quizon just dont do it next time"

"Yes maam Beutiful "

Nag blush naman si maam
Pfft di kona mapigilan tawa ko

Umupo na si treo sumulyap siya sakin pero agad ding umiwas ng tingin

Eh hmmp..porke ako lang ba ang may kakaibang muka rito dinaba pwedeng pansinin ako ng pogi

Dumaan ang buong maghapon na puro discusions lang.
Nakakapanibago dahil kakaiba ang pinagaaralan nila rito. halos di ko maintindihan

About sa history ng school nato na 500 years narin pala ,pinagaaralan rin ang ibat ibang mga sikat na iskwelahan katulad ng merinda academy na siyang pinakasikat na school sa buong asia,weird lang kasi history ng school ang pinagaaralan... Ang hindi lang nabago ay ang math
.at yung katabi kong lalaki kanina ni isang hi manlang wala pa. wala bang makikipag friend sakin dito.?maganda rin naman ako. Mas maganda nga lang sila

4:00 ang dissmisal rito 8:00 naman ang start ng class.papunta na akong ngayon sa dorm ko nakakalito lang dahil angdaming pasikot sikot kahit tinuro na ni ate ashera. Parepareha kasi ang bawat dorm.

Pero nahanap ko rin yung room ko medyo natagalan nga lang

Pagloob ko...hindi na ako nagulat sa sobrang ganda at lawak ng kwarto ko dahil nakita ko nato kaninang lunch

May isang queen size na bed may lamesa sa tabi nandon narin yung ibang mga gamit sa school may may cr,may kitchen,may tv,para akong nasa condo, kompleto parang ,isang buong bahay

Pero halatang may katagalan narin ang mga ibang gamit rito.

Magkalayo ang dorm ng boys at girls
*****
Habang kumakain ako biglang may kumatok sa pinto.

Pumunta ako sa pintuan para buksan,at laking tuwa ko ng makita si ate asheya

Hay akala ko lonely na ako ngayong gabi

"hi ate pasok ka "

Pagkapasok ni ate naupo agad kami sa couch....

"Kamusta 1st day mo"

"ok lang ate.parang parehas lang rin sa ibang eskwelahan,pero iba lang yung lesson at yung mga kaklase ko di ako masyadong pinapansin mas lalo na yung katabi ko hmmp"

Napahagikgik naman si ate ashera

"calm down.first day palang ashera malay mo .tomorrow or the next may maging kaibigan kana rin"

"hmm.. Sana nga ate"

1 oras din kaming nagkwentuhan ni ate ashera bago niya napagdesisyunang umalis

Mag isa konanaman.

Naalala ko tuloy si lola.
Bigla nalang parang may basang dumadaloy sa mata ko.

Ahaha napaluha na pala ako.

Kring!!!!!

Kringg!!!!!

Ahhh! ang ingay ang aga aga palang

Oo nga pala nasa ibang lugar na ako.mabilis na akong naligo at nagbihis, dumiretso narin ako sa dining hall.

Medyo maaga ako ngayon kaya pagdating ko sa dining hall ay kakaunti palang ang mga estudyante pero nakahanda na ang ibat ibang putahe.hay ang sarap ding mamuhay rito .

Umupo na ako sa pinakadulong upuan sa
Right table ,wala pang tao dito banda ehh

Ilang minutes din ang dumaan at salamat kompleto narin.At naghudyat na nga ang dean na,kainan na!

Dalawang upuan ang ang bakante dito sa bandang kanan ko at isa naman sa harap ko.wala bang gustong tumabi sakin?

Nang malapit na akong matapos kumain biglang may dumating na tatlong.....siyempre pogi,halos lahat namn sila dito pogi

At..... At.. Tumabi sila shaken
Tinignan ko ang buong paligid dito nalang pala ang bakante. Assuming nanaman ako

Maganda naman ako ahh. Mas lamang lang sila. Habang umiinom ako ng tubig tinignan ko silang tatlo ng pasikreto.

Yung dalawang lalaking nasa kanan ko pogi talaga ehh pero parang pamilyar yung isa?
Ahhh siya yung lalaking dumaan sa tapat ng bintana at yung isang lalaking katabi ko di ko kilala,omg nakita niya pala ako with wierd face nakakahiya.pasimple ko nalang tinakpan yung mukha ko, tumingin naman ako sa harap at,siya yung lalaking seatmate ko ah,ahm anong pangalan nito?

Ahh.. Treo Quizon!!

Bigla akong nailang.masyadong malakas ang aura nila.maka alis na nga

Tatayo na sana ako nang biglang may humawak sa wrist ko.

"hello miss aalis kana? "sabi ng lalaking katabi ko (ito yung di niya pa kilala) "ako nga pala si kimber tom levita"sabay ngiti niya sakin.

Tumingin ako sa paligid. Ehh!!? Kami nalng pala ang natira

"eh heh. Hehe asheya ashi almonte.. "binitawan niya na ang pulsuhan ako at nakipag shakehands

Anh awkward naman nito. Ang tahimik nung dalawa.. "sige mauna na a.. Ako"

Ngumiti nalang ako.pero tumingin muna ako sa dalawa. At laking gulat ko nang nakatitig sakin si Treo.mga ilang segundo rin kaming nagkatitigan , Iniwas ko nalng ang tingin ko at umalis na.

Nakalunod yung titig niya.

Nang makarating na ako sa room umupo na ako at naghintay ng teacher.

Ang hirap pala ng mag isa lang.

But after the dark, the light is always there to give you a new hope
Buti nanjan sila ate asheya at kuya ash....sila yung light ko. Niligtas nila ako mula sa darkness.sana totoo ko nalang silang pamilya.

Underground UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon