TTSN #18

1.1K 61 6
                                    

××× TTSN #18 ×××

Her P.O.V

"Wala naman po. Sinundo ko lang po itong si bessie babes kasi LQ po ata sila ni Draven eh."

Say whaaattt??? Napatingin ako bigla kay Trish ng sabihin nya yun sa harap pa mismo ng nanay ni Draven na nasa harapan namin ngayon. Nakita ko din na bigla na lang nanlaki ang mata ng mommy ni Draven. Aish! Ano na naman ba tong dinadanas ko ngayon?! Nagkamali talaga akong kaibiganin tong si Trish eh!

Aish! Badtrip talaga!

"LQ? Girlfriend ka ba ni Draven iha?" - sabi ng mommy ni Draven na lumingon sa direksyon ko.

Sheetzzuuu!!! Arrgh!

Tumingin ako sa mommy ni Draven para sagutin ang tanong nya. "Hindi nya po ak--"

"Nako mommy tita ganda! Kapag si bessie babes ang tinanong nyo nyan, di po yan aamin! Mahiyain yan eh!" - biglang salita ni Trish. Psh! naman! Tinignan ko sya ng masama, as in masama kaya naman napatungo na lang sya.

"Hahaha." - busy pa ako sa pagtingin ng masama kay Trish at syempre, ipaalam sa kanya na badtrip na ako sa ginagawa nya nang marinig namin ang biglang pagtawa ng mahinhin ng magandang mommy ni Draven. "I didn't know that my son has a girlfriend. Yung batang yun talaga masyadong masikreto." - sabi pa nya ng nakangiti ng malapad.

Psh. Pahamak talaga tong si Trish!

"Hindi po talaga-" - ako.

"Hehe! In denial pa po kasi sila mommy tita ganda! Alam nyo na... Pakipot effect pa!" - singit bigla ni Trish.

At dahil sa sinabi ni Trish, lalong pang tumawa yung mommy nung abnormal autistic devil na yun.

Sige lang maganda yan. Kayo na lang mag-usap. Tsk.

"Anyway, pumasok muna tayo sa loob at ng maipagluto ko kayo ng dinner. Pagabi na rin naman kaya sabay sabay na tayong kumain and babalik din naman maya maya si Draven. Let's just wait for him inside." - sabi ng mommy ni abnormal.

Taming the Snob Nerd [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon