Titulo: Umpisang Wakas
Mahal kita,
Pero sa umpisa pa lang ng ating tula parang nasa dulo na ang lahat.
Isusulat ko pa lang ang unang letra ng madamdaming salita,
Winawakasan na ito ng ating tadhana.
Ibibigkas ko pa lamang ang tinik sa dibdib, pero umurong na ang tinig sa aking bibig.Sa mga pagkakataon na hindi ko inaasahang maramdaman ko sa gitna ng paghihintay ko sa tamang tao.
Nahulog akong walang kamalay-malay.
Walang kaalam-alam na bawat pag-uusap natin ay magpapabago sa takbo ng aking buhay.
Hindi ko inaasahan na mapapamahal ng sobra kahit alam kong may minamahal kang iba.Iniisip ko kung ako ba ang nauna, ako na ba 'yong taong pipiliin?
Ako na sana 'yong taong nandyan sa tabi mo kung nagkatagpo lang tayo ng mas maaga.
Ako na sana 'yong yayakap sa'yo kapag malungkot at may kinakaharap na problema.
Ako na sana 'yong unang taong magiging maligaya kapag ikaw ay may balitang masaya.Pero para akong naghihintay ng milagrong himala.
Wala kang hakbang na magawa.
Hindi mo ako handang ipaglaban.
Hindi mo ako kayang piliin.Kung pagmamahal lang sana ang nakataya.
Isusugal ko ang puso ko dahil alam kong sa'yo lang ito magiging masaya.
Pero ito ang simulang kailangan na mawala.
Kahit balutin ng sakit, 'wag lang maging dahilan para tayong dalawa ay makapanakit.
Kahit ako na lang ang makadama ng bigat, maiiwas ka lang sa lahat ng pait.Alam ko hindi mo ito mababasa.
Pero sana sa mga sandaling ito, maalala mo man lang ako sa masasayang alaala.Paalam mahal ko, hanggang sa muli nating pagtatagpo.
SAVAGEBLOSSOM
Mga Hinabing 'di Masabi
wattpad2021Ramie Caille
❤️
BINABASA MO ANG
Mga Hinabing 'di Masabi
Poetry'Pag 'di mo masabi, itula mo. Mga Hinabing 'di Masabi savageblossom PLEASE DON'T COPY MY WORKS! ©2021