Siguro wala nang sasakit pa sa isang bagay na akala mo iyo na pero hindi pa rin pala. Bakit ba kailangan natin palaging lumaban? Hindi ba natin pwedeng makuha 'yong mga bagay na deserve naman natin? Bakit kailangan lagi nating patunayan sa mundo na malakas tayo, na kaya natin? Wala akong masabi kundi sana palagi akong bigyan ng pagkakataon na malampasan ko lahat ng sakit sa puso ko. Marami akong gustong sabihin. Marami akong gustong aminin. Pero madalas, hindi ko 'yon masabi. Kasi sa dami ng mga salita, mas pinili ko 'yong katahimikan. Mas pinili ko 'yong magpalaya-- ang magpaubaya.
🖤
SAVAGEBLOSSOM
Mga Hinabing 'di Masabi
wattpad2021Ramie Caille
❤️
BINABASA MO ANG
Mga Hinabing 'di Masabi
Poésie'Pag 'di mo masabi, itula mo. Mga Hinabing 'di Masabi savageblossom PLEASE DON'T COPY MY WORKS! ©2021