TITULO: Nangungulilang puso
Mahal,
Kahit hindi na tayo magkausap.
Kahit hindi na tayo nagkikita.
Kahit nakasara na lahat ng daan patungo sa'yo...
Palagi ka pa ring nasa puso ko.Hindi mo man alam,
Hindi mo man makita,
At hindi mo man maramdaman.
Niyayakap pa rin kita sa aking isipan.Ikaw pa rin ang bukambibig.
Kung paano mo ako laging pinapakilig.
Ikaw pa rin ang nais makapiling.
Sa gabing dating ikaw lagi ang tagapakinig.Mahal,
Nangungulila ang puso ko sa iyo.
Ikaw lagi ang laman ng isip ko.
Sa'yo ko lang gustong magkwento ng mga nararamdaman ko.Mahal,
Kung pwede lang humingi ng kahit isang minuto para makausap ka,
Ipapalit ko sa kahit na anong meron ako.
Masabi ko lang kung gaano kalungkot na wala ka sa buhay ko.savageblossom 2021
💔
BINABASA MO ANG
Mga Hinabing 'di Masabi
Poetry'Pag 'di mo masabi, itula mo. Mga Hinabing 'di Masabi savageblossom PLEASE DON'T COPY MY WORKS! ©2021