leader 5

78 11 0
                                    

Natahimik ako sa pagkatapos niyang isend ang message na iyon. Huminga ako ng malalim at tumingin sa harapan ko.

"Ang panget mo pag masungit ka" sinamaan ko naman ng tingin ang nagsabi noon sa akin.

"Himala dumating ka pa!" sabi ko at nilabas ang mga gamit na kailangan namin.

"Alangan naman 'di ako sumipot ako lang naman ang leader n'yo at kailangan mo ako." dagdag niya.

"Mabuti naman alam mo." sabi ko at binuksan laptop ko. Ganoon din ang ginawa niya.

"Akala ko nandito na yung iba? Asan na sila? Sabi mo mas nauna pa mga members" kunot na tanong ni Sangyeon. Napairap nalang ako.

"Hindi 'bat ka member mo ako? Na mas nauna pa sayo?" Pagsusungit ko.

"Bakit ba ang sungit mo ha? Simula nung nalaman mo na ako leader nagsusungit ka na. Meron ka ba?"

"Bastos!" sabi ko at akmang hahampasin siya ng pigilan niya ang kamay ko. Aba at!

"Sungit sungit naman ng Shaine ko." biglang nang-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.  Agad kong iniwas ang paningin ko at pekeng napaubo.

"Che" Agad kong tinangal ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tinuon ang pansin sa laptop.

Punyemas naman Lee Sangyeon eh!

Leader ¦ Lee Sangyeon {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon