leader 39

37 9 0
                                    

Third Person's POV

Dali daling pumunta sa Creker Airport si Sangyeon. Kinakabahan, hindi maaring umalis si Shaine. Mahal niya sa si Shaine, at hindi siya papayag na aalis si Shaine na di sila nagkakaayos.

Pagkapasok niya sa airport ay hindi niya mapigilan sumigaw para hanapin si Shaine. Nakakahiya man ang ginagawa niya pero eto ang basic way para makita niya si Shaine at mapigilan.

"Shaine Choi!" sigaw niya ulit. Pinagtitinginan na siya at may mga lumapit na din na guard sa kanya.

"Sir bawal po sumigaw dito, at bawal din po kayo dito kaya naman kung pwede po lumabas na kayo" pakiusap ng guard.

"Wala akong pake! Shaine Choi!!" sigaw niya ulit. Akmang ilalabas sana siya ng guard pero nagpumiglas siya.

"Sir wag po kayo magcause ng gulo dito. Please lang po" sabi ng guard at pilit siyang inilalabas.

"Bitawan niyo ko! SHAINE--"

"Sir, bitawan niyo na po siya" sabi ng isang babae. The guard let Sangyeon go. Tinignan niya ang babaeng nagsabi nun. Hindi na siya nagdalawang isip pa na puntahan ang baba eat yakapin.

"Shaine please listen to me. Wag kang aalis please. Nagmamakaawa ako. Please Shaine" Sangyeon beg at lalong hinigpitan ang pagkakayakap. On the other hand here's Shaine, confused.

"Ha aalis?" she ask. Napabitaw sa yakap si Sangyeon at hinawakan both sides ng cheeks ni Shaine.

"Diba lilipad ka na pauwi sa Korea? Please Shaine ayoko--"

"Sinong may sabi sayo niyan? Nandito lang ako para ihatid sila mana. Uuwi na kasi sila nga Korea at maiiwan ulit kami ni Chanhee sa bahay." sabi ni Shaine. Kadahilanan para tignan siyang nalilito ni Sangyeon.

"S-So di ka aalis?" nauutal na nahihiyang sabi ni Sangyeon. Sino ba namang hindi mahihiya dahil sa ginawa niya. Umiling si Shaine

"Hindi" sabi niya. Dahil sa tuwa di na napigilan ni Sangyeon na halikan sa labi si Shane. Kadahilanan para magulat si Shaine

"Yes! Akala ko aalis ka na" tuwang sabi ni Sangyeon matapos niyang halikan(smack) si Shaine.

"Bakit mo ko hinalikan!?" galit na tanong ni Shaine. Bigla naman namula tenga ni Sangyeon.

"a-h..."

"Nevermind" sabi nalang ni Shaine at akmang aalis na ng hilain siya ulit ni Sangyeon.

"Okay na tayo? Di ka na aalis? Pwede na maging tayo?" Sunod sunod na tanong ni Sangyeon. Shaine look at him na para bang nangjujudge.

"Hindi pa tayo okay, nagtatampo parin ako! Hindi na ako aalis paulit ulit ka! At hindi! Ligawan mo muna ako!" Shaine said at umalis na.

Well, tulad nga ng sabi ni Maurice.

Marupok si Shaine.

Leader ¦ Lee Sangyeon {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon