leader 25

43 8 0
                                    

"ano ba Sangyeon pwede ba!? Lumayo layo ka" sabi ko kanina pa kasi siya dito sa tabi ko hindi umaalis. Nababadtrip na ako. Lalo na't nalaman ko na si Maurice nagsabi kay Sangyeon.

"Hindi na ako aalis sa tabi mo" sabi niya. I face palm.

"Anong kalokohan na naman ba ito Sangyeon!? Ano ngayon kung aalis ako? Wala ka ng pake doon" sabi ko at akmang aalis na kaso hinila niya ulit ako. Walang nakakakita sa amin since nandito kami sa may garden. Gusto kong lumayo pero bumubuntot siya hanggang sa nakaabot kami dito.

"Hindi, hindi ako papayag na aalis ka!" sabi niya.

"At bakit Sangyeon? Sino ka ba sa buhay ko?" tanong ko. Napansin ko naman ang pagatras niya. Hindi agad siya nakasagot sa tanong... Napansin ko ang paglunok niya. Tumingin siya sa akin ng seryoso at bumuntong hininga.

"Sino ako sa buhay mo? Ako lang yung lalaking mahal ka simula pa noong una" kalmado ngunit alam kong kabado si Sangyeon ng sabihin niya ito, napatawa ako dahil sa sinabi niya. Gago ba siya? Matapos niya akong iwan noon? Matapos niya akong pafall'in noon? Tapos ano? Lalapit lapit siya sa akin ngayon? Napayuko ako ng saglitaan ng naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha sa mata ko.

"Sangyeon tama na laro, hindi maganda laro mo. Talo na ako simula pa noong una. Ghinost mo ako, iniwan mo ko. Pinafall mo ako tapos iniwan sa ere. Kaya please tama na, hindi na maganda laro mo" sabi ko kasabay noon ay ramdam ko ang pagpatak ng luha ko. Oo mahal ko pa din siya. Masakit pero kaya ko, kakayanin ko.

"Shaine hindi mo kasi ako naiintindihan eh, mahal kita. At totoo yun, may rason ako bakit bigla akong nawala. Pero pakinggan mo muna ako please" sabi niya at hinawakan kamay ko. Inalis ko naman ito at pinunasan mga luha ko. Nakita niya na akong umiiyak dahil sa kanya.

"No Sangyeon, i don't need your fucking explanation, because when I asked you to explain, hindi ka nag explain."

Leader ¦ Lee Sangyeon {COMPLETE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon