Nandito na kami ngayon sa bahay nila Bbang dahil birthday niya at syempre magcecelebrate kaming lahat.
"Happy birthday bbang!" sabay sabay namin sabi at pagkanta na rin. Kompleto na lahat maliban nga lang kay Yanna. Hays, asan na kaya yun?
"Tara kainan na!!" masiglang sabi ni Haknyeon
"Ang takaw mo talaga Haknyeon" - Lyra
"Akala mo siya hindi" - Haknyeon
"Parehas lang naman kayo, kaya bagay kayo eh" - Kevin
"Heh!" Natawa nalang ako sa sabayang pagsabi ni Haknyeon at Lyra nito.
"boom" Allyza
"Isa pang kakaboom mo Allyza tatapalan ko na bunganga m o" pagbabanta naman ni Maurice. Kanina pa kasi boom ng boom si Allyza, hindi ko alam kung saang lupalok ng mundo niya na-adopt iyang words na yan.
"Sorry hehe" sagot naman ni Allyza. Hinayaan ko na lamang sila at kumuha nalang ng pagkain ko.
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng boredom ngayon. Masaya naman birthday ni Bbang ang kaso nakakatamad lang talaga lalo na at nandyan yung Sangyeon, hindi ko na talaga maintindihan kung bakit naiirita ako at the same time eh gustong gusto ko na nandyan siya.
"Naiirita kasi ghinost" halos mabilaukan naman ako dahil sa sinabi ni Juyeon. Gagong 'to bigla biglang nalang sumusulpot.
"Ano ba Juyeon bigla bigla ka nalang sumusulpot." sabi ko at uminom ng tubig.
"Hahaha halata naman kasi sayo na galit na galit ka kay Sangyeon. Ewan ko ba sa taong yan bakit ka ghinost. Pero alam ko naman na gusto mo pa rin siya kahit ghinost ka niya" I sigh. Tinignan ko siya ng masama. Direct to the point talaga ang isang ito.
"Juyeon, wala akong pake kay Sangyeon, okay?" sabi ko. Pero deep inside, syempre may pake pa rin ako kay Sangyeon, shh. Minsan napapaisip talaga ako bakit ko naging barkada ang isang nilalang na ito walang ginawa kundi guluhin ako about sa pagoghost ni Sangyeon. Medyo may pagkaslow si Juyeon pero pagdating sa usapang Sangyeon at ako, mas mabilis pa sa alas kwatro.
Oo, ghinost nga ako ni Sangyeon. Papafall'in niya ako pero hindi niya ako sinalo. Sinaktan lang ako. Matapos niya akong landi landiin, bigla niya nalang akong iniwan sa ere nung panahon kung kailan nafall na ako, haha.
Pero kahit na nagawa niya iyon di ko pa rin maalis ang magkagusto sa kanya. Noong panahon kasi na sure na ako bigla siyang nawala. Tapos ngayon balik balik siya. Nangiistorbo. Bully na nga, ghoster pa. Leader ng mga bully at ghoster.
Naiinis nga ako sa sarili ko eh. Si Maurice at Juyeon lang nakakaalam ng lahat ng sitwasyon. Pero di ko pinapaalam kay Juyeon na gusto ko pa si Sangyeon. Aasarin lang kasi ako niyan. Pero sana hindi nalang ako ghinost ni Sangyeon. Para hindi humantong sa ganito ang lahat.
Nakakainis, kahit gusto kong kalimutan na gusto ko siya hindi ko magawa kasi hindi ko malimutan ang nakaraan. Gusto ko kasing kalimutan ang nakaraan kasama din ang pagkakagusto ko sa kanya kaso wala ayaw ng utak at puso ko.
Sangyeon nasasaktan ako pero at the same time sobrang saya ko kasi bumalik ka.
BINABASA MO ANG
Leader ¦ Lee Sangyeon {COMPLETE}
Fanfiction"bakit ikaw pa ang leader?" ✍︎ THEBGETIT EPISTOLARY #1: LEADER [you x lee sangyeon] - Date Started: September 23, 2020 Date Finished: October 10, 2020