"Boss naman menor de edad pa lang ako" sabi ko sa pulis na nasa harapan ko.
Napairap na lang ako sa hangin ng hindi ako intindihin nito. Hayst. "Natawagan ko na ang guardian mo at papunta na daw sya" ani ng masungit na pulis na mukang engeng.
I'm at the Police Station. Why? Kasi over speeding daw ako. Duh! May over speeding ba sa karera! Nako mga pulis talaga na 'to.
"Pasalamat ka menor ka pa lang di ka namin ikukulong. Mga kabataan talaga ngayon puro ka lokohan. Alam nyo bang delikado sa daan. Tapos may pa drug race drug race pa kayong nalalaman. Ikaw! " sabay turo sakin ni mamang Pulis " Kababae mong tao nakikisali ka sa ganyang bagay! "
Di ko na lang pinakinggan kung anong sinasabi ni mamang Pulis. Sigurado naman akong isa lang sasabibin ng mga tao sa bahay at ng mga Pulis dito.
" Z! " saka ko nilingon yung nag salita. Shit. Eto na mag raratratan na! Kuya Bri.
"Kayo po ba ang Guardian ng batang ito? " takang tanong naman ni mamang Pulis.
"Opo. Pasensya na kayo Sir." Seryosong sabi naman ni Kuya Bri. Alam kong may pag uusapan pa sila kaya umalis na ako. Sermon lang aabutin ko dun.
Lumabas na agad ako ng presinto. At sumandal dun sa kotse. Sigurado akong naka impound na naman ang motor ko. Kawawa naman. Ilang sandali pa ay lumabas na si Kuya Bri ng presinto at saka ako tiningnan ng masama at sinensyasan na pumasok na sa kotse. At sinunod ko naman. Alam kong mainit na naman ulo neto.
" Z! Humanda ka talaga kay Danielle nyan! Pasalamat ka at hindi si Danielle ang nakasagot ng telepono kanina kundi nako di ka tutubusin nun! " inis nyang sabi pag kapasok ng kotse.
"Yieee thank you kuya Bri. Lab mo talaga ko. " tsaka ko sya hinampas hampas. At nag simula na syang mag drive pa uwi.
And btw I'm Ezoephia Dan Patthinson 17 years old. At itong kasama ko ngayon e isa sa mga cousins ko. Kuya Bri ( Bri not Bray). Well kaya lang naman ako nang galing sa prisinto kasi nahuli akong over speeding. Tulad ng sinabi ko kanina, meron bang over speeding sa karera. Char. Drag race kasi yun. I' m a drag racer minsan, minsan din killer. Char.
" Zoeph tinubos na kita bahala ka na mag paliwanag sa madadatingan natin sa bahay ha! Di na kita tutulangan malilintikan ako nyan e! " Kuya Bri continue talking.
"Aww" at nakita kong malapit na kami sa bahay este Mansion.
I have a brother nga pala. Me my brother and our cousins lived in one house. At kasama namin si Tanda. Our Grandfather. I have 11 cousins and they are all boys. Like fuck. Lagi silang napapagkamalan na boyfriend ko kapag kasama ko ang isa sa kanila. Well di nyo naman masisisi yung mga chismosa jan sa daan gwapo rin naman mga tukmol na yun and may itsura naman ako.
Ng makarating na kami. Pag ka baba ko ng sasakyan kitang kita ang masasamang tingin mula sa pitong lalaki sa loob ng mansion. Okay ready to run!
YOU ARE READING
Be With You
General FictionWhat if there's a last wish that can turn your life upside down? Would you risk your life into something that you're not sure of just to grant it?