Zoeph's PoV
After namin mag dramahan ni Kuya eh nag sipuntahan na kami sa kani kanilang kwarto. Naligo lang ako at nag bihis saka nahiga sa kama. Tumitig lang ako sa kisame.
At the age of 18 mag kaka asawa na ako. Naranasan ko naman mag ka boyfriend pero mag ka asawa? The fvck. Like mag stay kami sa iisang bahay. Magiging housewife ako ng taong di ko naman mahal. Yuck. Di naman ako papayag na maging housewife. Pero wala e. Si Lolo na yung humiling.
First time nun humiking sa 'kin. Well, inalagaan nya ko sa loob ng 7 years matapos mamatay ni Mom. Walang pakinabang yung ama kong magaling. Kung yung mga pinsan ko 13 years old bago pumunta dito sa mansyon ako 10 years old nung mapunta dito. Simula nun inalagaan ako ni Lolo T. Binigay lahat ng gusto ko. Parang sya na naging tatay ko. Kahit pasaway ako e lab pa rin ako nun. Kaya eto sinusuklian ko lang sya.
Bumuntong hininga muna ako saka umayos ng higa at napag pasyahan ko ng matulog.
THIRD PERSON'S POV
"Mom ano bang pinag sasasabi mo. Nasa 21'st generation na tayo. Ano bang arrange marriage yang sinasabi mo. " saka umupo ang binata sa high chair ng kitchen nila.
"Son. It's been a year since maging single ka. I know na bata ka pa pero sa nakikita ko pwede na naman e. Tsaka diba umoo ka na sa hiling ng Grandma mo. " saad naman ng babae na may kaedadan na habang nag hahanda ng pag kain sa hapag.
"Oo nga Kuya. Mumultuhin ka ni Grandma kapag nalaman nun na hindi ka tumupad. Diba sabi nya 'Tyree babangon talaga ko sa libingan ko kapag di ka tumupad sa usapan ’ kaya go lang" saka umupo ang dalaga sa may upuan sa hapag.
"Porket kasal na si Kuya ako naman ipapakasal nyo. Tsaka di ko nga kilala yung sinasabi nyo. Pano na lang kung di kami mag kasundo. O edi sayang lang. " pag tutol naman ng binata.
"JT sa ayaw mo at sa gusto tommorrow we will be meeting your soon to be wife. No buts! " asik naman ng lalaki na may kaedadan na rin.
"No buts! " sigaw naman ng binata saka umupo na rin sa hapag. At hindi na tumutol sa halip ay kumain na lamang siya.
No but's Jackson Tyree Reed.
Zoeph's PoV
"Z! Ano na kanina ka pa jan! Ma le late kana! " sigaw ni Kuya sa labas ng kwarto ko. Kasalanan ko bang napahaba ako ng tulog at nakatulog ulit sa bathtub habang naliligo. Di naman ako puyat e.
"Oo na lalabas na nga ingay ingay talaga" asik ko naman at tsaka lumabas ng kwarto dala dala ang bag at susi ng kotse ko.
Dirediretso lang ako pag baba kasi ma lelate na talaga ko. Nakita ko pang kumakain sila sa dining. Kumuha lang ako ng isang sandwich at uminom ng milk ni Kuya Marky.
"Di ka ba kakain? " tanong ni Kuya Shun sa 'kin. Umiling na lang ako at nag patuloy sa pag lalakad papunta sa may pinto.
" Ezoephia baka makalimutan mo mamayang 6 mag didinner tayo sa Hotel de Patthale! " sigaw naman ni Lolo. Ang galing sumigaw parang walang taning ah.
"Yes! " tsaka ako sumakay ng kotse ko. Pinakuha to kagabi ni Kuya Jack sa driver namin.
Pinaandar ko agad at saka tinahak ang daan papunta sa school. Ng makarating ako e agad akong bumaba sa kotse at takbo at lakad ang ginawa ko makapuntanlang sa room. Ng nasa may hagdan na ako.
"Hey Dan" bati nya. Tsk epal. Pag ako na late late.
"Hey. Ex" tsaka ko sya inirapan akmang lalagpasan ko na sya ng higitin nya ang kamay ko at iharap ulit sa kanya.
YOU ARE READING
Be With You
Fiction généraleWhat if there's a last wish that can turn your life upside down? Would you risk your life into something that you're not sure of just to grant it?