Chapter 3

2 0 0
                                    

"Class kelangan nyo ayusin ang classroom nyo dadating ang owner ng school mamaya at titingnan ang lahat ng facilities natin. Kaya kayo mag toka toka na kayo agad ngayon kung sino maiiwan sa room at tutulong sa mag lilinis ng C.R" paliwanag ni Mr. Dugg-Ong.

"Yes Mr. Dungong" sigaw naman ng mga kaklase ko. Mga lokong to. Syempre katunog naman nga kasi pero wala sira ulo talaga e.

"Oh ano alam nyo na ang mang yayari?" tanong ni Pres. Well pag ka gantong linisan ang usapan laging section namin ang napag iiwanan. Kasi  kapag may mag lilinis sa banyo dapat bawat section may tatlong representative. Eh ang kaso binubully ng Higher ang mga representative ng section namin. Kaya...

"LAHAT TAYO MAG STAY DITO" sigaw naman ni Beks. At nag kanya kanya na kami ng kuha ng mga panlinis.

Kung sa kalokohan e una kami well sa pag lilinis e huli naman kami. Muka kasing storage room yung room namin. Lahat na ata ng sirang upuan andito. Public lang naman tong school namin. Sabi nila semi private daw e. Eh basta.

Lahat kami gumalaw. Dinaan namin sa katarantaduhan yung pag lilinis para masaya naman. Merong nag batuhan ng basahan, meron din namang nag batuhan ng mga pape na napupulot.

"Anjan na! " sigaw ni Cyrille. Umayos kaming lahat ng upo. Nakita ko ang pag pasok ni Kuya Jack. At tumayo kami tsaka nag greet.

"Okay sitdown" at tumingin sa akin "Ms. Patthinson pag katapos ng klase nyo pumunta ka sa office ko. " Tsaka sya lumabas. Hayst ano na naman kelangan nun. May karera ako e.

Ng makalayo si Kuya "Hala ka ghorl" ngiti ngiti ni Beks.

Yun nga ang nang yari matapos ang klase e nag diretso ako sa office ni Kuya at....

"Oh ginagawa mo dito?" tanong ko kay Wendy. Tapos humarap sya kay Kuya at nag pa awa. Amputa mukang Ape.

"Nabalitaan kong nbinully mo si Ms. Angeles, Ms. Patthinson. " sabi ni Kuya.

Gunggong na to lakas mag sumbong e sya naman nanguna " Ah yun! Tsk andaming CCTV ng school di nyo ba chineck? " tanong ko naman kay Kuya.

"Anong connect ng CCTV sa pam bubully mo. " maarte nitong sabi. Lintek na to banatan ko to e.

"Para makita natin kung sino nauna este kung sino talaga nambully. " then I smirk at her.

"Te--teka pinapalabas mo ba na ako! " tapos kunwari pang nag punas ng luha.  Paawa si Ape oh.

"May sinabi ba akong ikaw nauna. Hey easy nadudulas kana ata" tas tumawa ako. Grabe nahahalata si Ape.

"Stop Ms. Patthinson. Ms. Angeles pwede ka ng umuwi. Bukas na lang natin ito ituloy dalhin mo na rin ang parents mo bukas para mapag usapan natin ang issue. " tapos tumayo si Kuya. Tsk edi dadalin ko si Kuya Dan. Mag suntukan sila dito.

"Hindi na po Sir. Papalagpagpasin ko na lang po" tapos umalis na si Ape. Tumingin naman ng masama sa akin si Kuya.

"Binully mo? " tanong nya. Tumawa lang ako.

"Ganda kong to mambubully ako ng panget. Duh di naman ako ganon kahina. " at tumawa lang ng tumawa.

"Hayst. Pasalamat ka nakita ko yung CCTV kanina" sabi nya saka umupo sa upuan nya. Inayos nya na mga gamit nya. At tumayo naman ako. Akmang lalabas na ako ng office nya ng...

"Sumabay kana sa akin. Pinapatawag tayo ni Lolo" nanlaki naman mata ko. Bat wala akong na recieve na text. Kinuha ko naman agad ang phone ko sa bulsa ko. Ay meron pala.

Be With YouWhere stories live. Discover now