AURELIA's POV
Eto na nga ang araw kung saan gaganapin na ang aming farewell party.
Tanging mga school officers lang at mga president ng bawat club ang nasa school ngayon para sa preparation ng event. Habang ako nakahilata pa rin sa kama, kagigising lang at nagbabasa agad ng libro.
Mamaya pa naman kasing 7pm yung start ng party kaya chillin like a villain lang ang peg ko ngayon.
10 am nang magdecide ako na tumayo na at magluto ng agahan ko, simpleng fried rice and egg lang with matching coffee na bigay sakin ni Benjamin.
"infairness ah ang sarap netong kape, ganito talaga pag mga sosyal", sabi ko sa sarili ko habang humihigop ng kape.
Nanuod nalang ako ng 'melting me softly' na kdrama at pinagbibidahan ni Ji Chang Wook.
Para nakong tanga dito, puro kilig, tawa at iyak ang ginagawa ko dahil sa pinapanuod ko.
Knock knock..
Nang makarinig ako ng katok ay tumungo ako sa pinto at nakita kong si Amber pala ang nasa labas.
"maaga pa ah, ano ginagawa mo dito?", tanong ko sa kanya at mukang dala dala niya yung susuotin niya at make up kit niya.
Sabi niya kasi ay aayusan niya ako pero hindi niya sinabi na ganito siya kaaga pupunta dito.
"inagahan kolang dahil ayoko maabutan ng rush hour, syempre aayusan pa kita tapos aayusan ko din sarili ko", pumunta ako sa kusina para ipagtimpla siya ng juice.
"o uminom ka muna, nag almusal kana ba? Pagluluto kita"
"nako kumain nako sa bahay, umupo kana dito at may ipapakita ako sayo", umupo ako sa tabi niya at may kinuha siyang box sa bag niya.
"ano naman yan?", tanong ko sa kanya, nang buksan niya ay kwintas at hikaw ito sa loob.
"kahapon kasi diba galing ako sa shop ng uncle mo, so dumaan na din ako sa jewelry shop tapos bumili ako ng accessories na susuotin ko para sa party mamaya at naisipan kong bilhan na rin kita"
"sana hindi kana gumastos sakin, may gagamitin naman ako e"
"tanggapin muna kung hindi magtatampo ako sayo", wala nakong nagawa kundi tanggapin nalang dahil pag eto nagtampo, mamumuti buhok mo kakasuyo.
"si Wren, bakit wala dito?", tanong niya.
"andun yun sa bahay nila, panigurado tulog pa yun", tinapos nalang namin ni Amber yung pinapanuod ko na kdrama. Nagpadeliver nalang kami ng lunch namin sa Food Panda.
4pm ay naligo na ako dahil aayusan na daw ako ni Amber, nang matapos ay sinuot ko na agad ang gown ko para diretso nalang.
"wag mo masyadong kapalan ah, alam mong di ako sanay sa make up", sabi ko sa kanya. Nasa kwarto kami at nakaupo ako sa harap ng salamin habang siya ay inaayos ang mga gamit niya.
"oo naman, sisiguraduhin ko na ikaw ang pinakamaganda mamayang gabi", nakangiting sabi niya
Sinimulan na niya ang pagmi-make up sakin, sabi ni Amber na mas bagay sa muka ko at sa caramel brown eyes ko ang nude makeup dahil lilitaw daw lalo ang kagandahan ng mukha ko.
nayusan na rin niya ako ng buhok, simpleng bride's braid ang ginawa niya sa buhok ko.
Halos isang oras din akong inayusan ni Amber, buti nalang talaga nandito siya kasi di ko alam kung anong magiging itsura ko mamaya. Baka isipin ng mga tao na napadaan lang ako dun.
BINABASA MO ANG
Heartbeat
RomanceKapag nagmahal ka, di mo mapipigilan ang puso mo. Aminin man natin o hindi, mahirap kalabanin yun dahil kahit na sinasabi ng isip ml na di muna mahal ang taong yun, puso pa rin ang magsasabi ng totoo ng tunay mong nararamdaman.