CHAPTER TEN

11 4 0
                                    

AURELIA's POV

Dalawang araw na ang lumipas mula nang makauwi kami galing Batangas. Ngayon, nakahiga ako sa sofa dahil kakauwi kolang galing school at sobrang pagod ako. Sinadya kong marami akong gawin para lang makalimutan yung mga nangyari sa outing namin.

"ano ng gagawin ko sa kanya?", sabi ko sa sarili ko at ginulo ang buhok ko.

"haist!! Sumasakit ulo ko sayo Wren!!", nababaliw na talaga ako, di ko na alam gagawin ko. Mula ng makauwi kami dito ay iniiwasan ko na si Wren pero siya tong lapit ng lapit sakin, natutunton niya ako kahit saan ako magpunta. Tinotoo ni Wren ang sabi niya na liligawan niya ako sa ayaw at sa gusto ko. Nagsisimula na din si Benjamin sa panliligaw niya dahil pumayag na ako na manligaw na siya sakin.

FLASHBACK

"hayaan mong ligawan kita Maddy", mabuti nalang ay yakap ako ni Wren kundi kanina pako naupo sa sahig dahil naramdaman kong nanghina ang mga tuhod ko sa sinabi niya.

"kung kailangang makipagkompitensya ako sa kanya gagawin ko", dugtong niya.

Umalis ako sa yakap niya at dali daling lumabas ng cottage, tinatawag niya ako pero hindi ako lumilingon. Nakita ko ang isang malaking bato sa may dulo, dali dali akong tumakbo papunta dun at naupo.

"liligawan niya ako? Nababaliw naba siya? Lasing ba siya ah?", tanong ko sa sarili ko.

Imposibleng dala lang ng kalasingan niya yun, pakiramdam ko totoo yung mga sinabi niya. E kung totoo man, bakit? Paano?. Sa tagal naming magkaibigan bakit di ko napansin na may gusto pala siya sakin.

Ang daming tanong sa isip ko na ni isa wala akong masagot. Di ko alam bakit nangyayari sakin to ngayon, mabait naman ako. Di naman ako pasaway kila Mama. Ano sasabihin nila pag nalaman nilang nanliligaw sakin si Wren? Paano pagkakaibigan namin?

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatambay sa likod ng malaking bato, nagdesisyon na ako na bumalik na sa cottage pero nakita ko ang duyan na pinagtambayan ko kanina kaya doon muna ako nahiga.

Magdamag akong gising, ayaw ako dalawin ng antok dahil sa mga nangyari. Namalayan ko nalang na umaga na nang sumikat na ang araw.

Nang pabalik na ako sa cottage ay nakita ko sila mama na nagluluto ng agahan sa tabi ng kubo, kahit na amoy na amoy ko ang mabangong luto ni mama ay hindi ko ramdam ang gutom kaya nilagpasan kolang sila papuntang cottage. Pagpasok ko sa cottage ay wala na silang dalawa kaya nahiga ako sa kama para matulog.

"Aurelia..Aurelia gising kana dyan", unti unti kong dinilat ang mga mata ko at nakita kong si Benjamin pala ang kanina pa gising ng gising sakin.

"hapon na, di kapa kumakain", sabi niya. Agad akong bumangon at nakita ko sa orasan na alas kwatro na ng hapon. Hindi ko namalayan na napahaba ang tulog ko at naramdaman kong kumakalam na ang sikmura ko kaya pumunta ako sa kubo para kumain.

Nakita ko si Wren na nakaupo sa loob ng kubo, agad akong umiwas ng tingin dahil hindi ko siya kayang tignan. Agad akong kumuha ng plato at nagsandok ng pagkain.

"mukang napuyat ka ah", sabi niya sakin, ramdam kong nakatingin siya sakin.

"di lang ako nakatulog ng maayos kagabi", sabi ko na hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"dahil ba yun sa sinabi ko kagabi?", muntik ako masamid sa sinabi niya, ibig sabihin hindi siya lasing kasi naalala niya pa yun. Inangat ko ang ulo ko at tama nga ako, nakatingin nga siya sakin.

"seryoso kaba dun Wren? Sabihin mo nagbibiro kalang", sabi ko sa kanya at umaasa ako na sabihin niya na nagbibiro lang siya.

"mukha ba akong nagbibiro nun? Gusto kita Maddy", diin niyang sabi

HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon