CHAPTER FIFTEEN

4 1 0
                                    

AURELIA's POV

"Sigurado ka bang pupunta ka dun? Pwede namang dito kana lang", tanong ni Amber habang inaayusan ako. Ngayon kasi ang engagement party ni Wren at Angel, naimbitahan kaming tatlo ni Amber at Benjamin.

"kailangan kong panindigan yung sinabi ko kay Wren, baka isipin niya pa na tama yung hinala niya. Ayoko din na may ibang isipin si Angel at Benjamin kaya pupunta ako", sabi ko. Suot suot ko ang black dress na binili sa akin ni Angel at tinernuhan ko ito ng black stilettos.

"ayoko sanang pumunta dahil naiinis pa din ako kay Wren, pero alam kong kailangan mo ako dun kaya sasamahan kita at syempre para din kay Angel.", nakangiti niyang sabi.

"thank you, the best ka talaga", nakarinig kami ng busina mula sa labas, panigurado si Benjamin na yun kaya lumabas na kami ni Amber at sumakay sa kotse.

"hindi ko alam kung may lahi kabang diyosa, patagal ng patagal lalo kang gumaganda", sabi ni Benjamin na nagpangiti naman sakin.

"kailangan ko na talagang maghanap ng boyfriend, kakasawang maging third wheel sa inyo", biro ni Amber. Yung kadate niya kasi noon ay nahuli niyang may kalandiang iba kaya hindi na siya nakipagdate pa sa iba, pahinga na muna daw siya.

NANG MAKARATING kami sa mansyon ng mga Conjuanco ay agad naming pinakita ang invitation letter sa mga guards, patunay na imbitado kami.

Kitang kita ko ang mga bisita sa loob, halatang mga kilalang negosyante ang nandito.

Nakita namin sila mama at papa na nakikipag usap sa mag-asawang Conjuanco. Agad naman naming nilapitan sila mama at papa.

"maddy nandito na pala kayo", sabi ni mama nang makita niya kami. Agad naman akong nagmano kila mama at papa.

"good evening po Mr and Mrs. Conjuanco....Si Amber po, kaibigan po namin ni Angel..." bati ko at pagpapakilala ko kay Amber.

"good evening po", bati ni Amber.

"..And si Benjamin, boyfriend ko po", pagpapakilala ko kay Benjamin.

"I know him, he is the son of Mr. Castro", sabi ni Mr. Conjuanco.

"yeah, nice to meet you Mr. Conjuanco and good evening", bati ni Benjamin at nakipag shakehands.

"hindi ko alam na boyfriend mo pala ang isa sa kilalang pinakabatang CEO sa mundo, I'm happy for you hija", sabi ni Mr. Conjuanco. Nginitian ko lang ito, inaya ako ni Benjamin na kausapin ang mga business partner nila ng papa niya na nandito.Iniwan namin si Amber kila mama at papa.

Hindi mapakali ang mga mata ko na parang may hinahanap, hindi ko siya makita, ni anino niya hindi ko nasulyapan.

Pakiramdam ko din ay may nakatingin sa akin kaya hinahanap din ng mga mata ko kung sino yun.

"hello Mr. Vega, I want you to meet my girlfriend, Aurelia", pagpapakilala ni Benjamin sa akin.

"h-hello po", nahihiya kong sabi. Di ko naman kasi inexpect na ipapakilala niya ako.

"what a beautiful lady, nice to meet you", bati ni Mr. Vega sabay halik sa mga kamay ko.

Pagkatapos kausapin ni Benjamin si Mr. Vega ay umalis na kami, nang makalayo na kami ay kinuha niya ang kamay ko kung saan hinalikan ni Mr. Vega at pinunasan niya iyon ng panyo.

"hindi ko alam na hahalikan niya ang kamay mo, mabuti nalang ay nakapagtimpi ako. Ayokong basta basta kalang ginaganun ng ibang lalaki", uminit ang mga pisnge ko sa sabi niya, ramdam ko ang pag alala niya sa akin ni ayaw niya nga akong nadadapuan ng lamok o kahit na ano na alam niyang makakasakit sa akin.

HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon