AURELIA's POV
"wag muna isipin mga sinasabi nila, malabo namang patulan kita""ang kapal ng muka mo!", sabay hampas sa braso niya. "as if naman din na papatulan kita", inirapan ko siya at nakita niya yun.
Ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa din si uncle David, siguro ay napakabusy nun kaya natagalan siya.
"sinabi muba kay mama yung nangyari sakin?", pang iistorbo ko kay Wren na nagsi cellphone.
"hindi ko sinabi kasi baka rentahin niya buong plane para lang makauwi dito, alam mo naman yun si mama kahit sa lamok ayaw ka ipadapo"
Naginhawaan ako sa sinabi ni Wren dahil sobrang mag aalala yun, "mabuti naman kung ganun, saka makikita din to ni mama bukas pag uwi niya"
"kaya nga tama lang na sinabi mo na ipatingin natin yan sa doctor para bukas ay hindi na gaano namamaga"
Hinawakan ko ang paa ko kung saan namamaga. Grabe sobrang maga, ang tanga ko naman kasi bakit kasi 5 inch na takong pa yung sinuot ko. Well, di naman to makakabawas sa ganda ko.
"what happen to you Aurelia?"
Sabay kaming napatingin ni Wren sa pinanggalingan ng boses.
Really? Really Benjamin? Pati ba naman dito sa hospital magkikita pa din tayo?
"Ja-Javier, a-ahmm ano ginagawa mo dito?", imbes na sumagot ay lumuhod ito sa harapan ko para tignan ang namamaga kong paa.
"kailan pa to?", tanong niya na may halong pag aalala.
"a-ahm kagabi lang pag uwi namin ni Wren, natapilok kasi ako pero ipapagamot ko naman na siya ngayon"
"gusto mo ba ipatingin natin sa kakilala kong doctor?"
"wag na Benjamin, actually doctor yung tito ko kaya dun nalang namin ipapatingin", sabi ni Wren.
"are you sure?", pinaupo ko na sa tabi ko si Benjamin dahil iba na tingin samin ng mga tao.
"okay lang Javier, hinihintay lang namin matapos si Uncle"
Tumango tango lang siya at hindi pa rin siya tumitigil sa pagchicheck ng paa ko.
Maya maya ay may lumapit saming nurse. "pinapasabi po ni Doc Xavier na hindi niya daw kayo maaasikaso dahil may biglaang operasyon po siya"
"ganun ba nurse, sige sa iba nalang kami magpapacheck up", sabi ni Wren at umalis na yung nurse
"so, dun nalang tayo sa kakilala kong doctor?", alok ni Benjamin, pumayag na rin kami ni Wren. Tulak tulak ni Benjamin yung inuupuan kong wheelchair at pumasok kami sa isang office, nakita namin doon ang isang doctor na nasa 45 yrs old na.
"Dad, can you check her feet? Natapilok daw siya tas ngayon namamaga na", sabi ni Benjamin sa doctor na tatay pala niya. Kaya pala nagtaka ako bakit sila magkamuka.
"Doctor pala ang tatay mo?", tanong ni Wren kay Benjamin.
"yeah, actually si Dad ang may-ari ng hospital na to. Araw araw ako pumupunta dito para maghatid ng baon niya kaya nagkita tayo sa lobby", sabi ni Benjamin, lumapit sa akin ang daddy niya para icheck yung paa ko.
BINABASA MO ANG
Heartbeat
RomanceKapag nagmahal ka, di mo mapipigilan ang puso mo. Aminin man natin o hindi, mahirap kalabanin yun dahil kahit na sinasabi ng isip ml na di muna mahal ang taong yun, puso pa rin ang magsasabi ng totoo ng tunay mong nararamdaman.