kabanata 11

68 5 0
                                    

Isang oras din ako nakatulog noong ginising ako ni mama tina upang manood ng musiko at parada sa labas ng bahay at ang masasabi ko lang ay sobrang saya ng fiesta dito para na nga akong bata dito na tanong ng tanong ano ang yung dahil nga first time ko.


"Ngayon ka lang ba nakapunta ng fiesta?" Napatingin naman ako kay papa marco na nakatingin saakin.


"Oo at ang saya pala ng fiesta dito." Nakangiting tugon ko dito at muling tumingin sa parada.


"Saan ka ba galing?"


"Ha? Sa m-anila. Hala tingnan nyo yun may nagtitinda ng sisiw, wait lang titignan ko."



Tumakbo naman ako papunta doon sa nagtitinda ng sisiw para takasan ang mga tanong ni carlos at sa dating ng tanong nya ay parang may kakaibang pahiwatig ito o sadyang madami lang akong iniisip.




"Hoy maechie wag kang masyadong maglikot baka mabunggo ka ng mga tao." Nag okay sign naman ako kina mama tina para di na sila mag-alala.




"Hala manong ang ku-cute naman ng tinda mong sisiw."




"Bibili ka ba ineng 10 piso lang isa."



"Di po wala po kasi akong pera, titignan ko lang po sila pasensya na manong." Tumango naman si manong doon buti nalang at di nya ako pinaalis dahil di ako bumili pero habang tinitignan ko ang mga sisiw ay naramdaman kong may lumapit sa tabi ko kaya napausog ako ng kaunti para bigyan ng space yung bibili.




"Gusto mo ba nyan?" Napatingin naman ako doon sa nagsalita dahil medyo pamilyar yung boses nya saakin at di nga ako nagkakamali dahil kilala ko nga yung pinaggalingan ng boses nya.



"Hi miss perya, long time no see." - napamake face naman ako dahil sa tawag nya saakin. Walangya talaga tong lalaking to baka nakakalimutan nya na may atraso pa ito saakin.




"Di miss perya ang pangalan ko and it's not good to see too." Mataray kong sagot at tinignan nalang yung mga sisiw baka mabingwasan ko pa tong si sebastian.




"Gusto mo ba nyan, kasi kanina ka pa tumitingin at mukhang wala kang balak bumili nakakaistorbo ka pa sa nagtatrabaho?"



"Ako ba tinatanong mo?" Kasi naman kami lang dalawa dito well tatlo pala pati si manong. So i asume na ako yung kausap nya kawawa naman aya kung di ko sya tatanungin kung ako ba yung kausap nya.



"Di, si manong ang tinatanong ko kung gusto nya." Sarcastic netong sagot.



"Ahhh. Okay sabi mo." Mukhang Nainis naman sya doon sa sagot ko well wala naman ako pakealam kung mainis sya e yun naman talaga ang gusto ko.



"Nakakastress kang babae ka sa kamalditaan mo. Malamang ikaw ang kausap ko."



"Linawan mo kasi ang tanong mo para di ka mag-alburoto dyan diba."



"Pwede ba sagutin mo nalang tanong ko gusto mo ba nyan?"



"Luh galit ka na nyan? Tsaka baka nakakalimutan mo yung ginawa mo sa pera ko" hanggang ngayon ay naiinis parin ako doon sa pinatalo nyang pera ko ang tagal kong pinadami tapos pinatalo nya lang.



"Kaya nga tinatanong kita diba, para makabawi sa pinatalo kong pera mo."


"Oo sige bili mo ako, gusto ko yung kulay pula at yung berde." Sinunod nya naman yung sinabi ko kaya kinuha na ni manong yung dalawang sisiw at nilagay sa kulungan yung dalawa sobrang saya ko naman nang binigay nila ito saakin.



Back to your Time (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon