kabanata 28

64 4 0
                                    

Pagkatapos ng dramaan ay agad na din dumating ang ambulansya na tinawagan ni pakundo sasama sana ako pero pinigilan nila ako dahil kailangan muna namin na magpalit ng damit baka daw makakasakit kami kaya wala akong magawa kung di sumang-ayon sakanila malamang at alam na din ng tatay ni Sebastian yung nangyari sakanya kaya medyo umayos na din ang pakiramdam ko.



Alam ko pagkatapos ng ginawa kong to ay ang kapalit ng buhay ko pero di ako nagsisisi na gawin yun dahil naging parte ng buhay ko si sebastian at ayokong iwan nya ako o ang pamilya nya nagiging makasarili nanaman ako pero anong magagawa ko kung gusto kong mabuhay sya diba.



"Grabe ang araw na to, buti nalang at nailigtas natin si sebastian."- ani ni papa marco habang palakad na kami pauwi.



Ngunit nakakailang hakbang palang kami ay di ko na magalaw ang mga binti ko at may nararamdaman na akong kakaiba na nangyayari sa katawan ko. Kaya napatigil ako sa paglalakad di naman nila ako napansin kaya tuloy tuloy lang sila sa paglalakad.




"Oo nga teka nga maechie, paano mo nalaman na nandoon si sebastian?"- tanong nila saakin ngunit magsasalita na sana ako ay walang lumabas na boses sa bibig ko kaya napansin nila kaya napalingon sila saakin.




"Maechie."- nag-aalalang tawag nila saakin. Kaya ngumiti ako para malaman nila na ayos lang ako. Sinubukan ko ulit na magsalita pero ngayon ay nagtagumpay ako.





"I-nstinct".- medyo nahihirapan na sabi ko. Sinubukan ko naman na maglakad palapit sa kanila ngunit natumba lang ako buti nalang at agad akong nasalo ni Carlos.



"Ano bang nangyayari? maechie ayos kalang ba?"- nag-alalang tanong ni pakundo.


"Dalhin na natin sya sa hospital."- umiling naman ako doon sa sinabi ni papa marco dahil walang magagawa ang ospital sa kondisyon ko.



"Will bring you home."- ngumiti naman ako doon sa sinabi ni Carlos pahiwatig na sang-ayon ako doon sa sinabi nya.



Binuhat nya na ako ng ganoon sa mga bagong kasal kaya napapikit ako. Naglakad na sila para makauwi pero bago ako pumikit ay narinig ko pang bumulong sa tenga ko si Carlos.



"Please dont leave me."- pagkasabi nya non ay nawalan na ako ng malay.



Gusto ko, pero alam kong bilang nalang oras ang pamamalagi ko dito. Gusto kong manatili sa kanila nag matagal ngunit di na maaari dahil sinisingil na ako ng panahon sa mga ginawa kong pagbabago sa panahon na ito at alam kong malapit ko nang pagbayaran iyon.



Nagising ako dahil sa isang alingawngaw na tunog ng telephono kaya napadilat ako at tumingin sa paligid at nandito na nga ako sa kwarto ni Niomi. Pinakiramdam ko naman ang katawan ko at medyo okay naman ito pero nag-hihina pa rin ako sinubukan ko naman tumayo at nagtagumpay naman ako naiilalakad ko na din ang mga paa ko. Pagtingin ko sa orasan ay alas 10:30 na ng gabi nakapatay na din ang mga ilaw. Patuloy parin sa pagtunog ang telephono kaya nilapitan ko na ito at sinagot. Pagkasagot ko ay isang iyak ang bumungad saakin.


"Hello,sino to?"- pero iyak parin ng iyak ang babae na nasa telephono medyo kinakabaan na ako.


"D-iba ang sabi ko sayo layuan mo si Carlos pero bakit napakalandi mo talaga maechie."- alos nanigas ako dahil nakilala ko kung kanino boses ito at kay mama tina ito.


"T-ina?"-



"S-imple lang naman ang gusto kong gawin mo pero bakit di mo pa magawa. Ngayon naalala mo naman siguro ang sinabi ko sayo diba. Magpapakamatay ako maechie at kasalanan mo ito."- pagkasabi nya nun ay agad na nya nga ibinaba ang telephono.



Back to your Time (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon