One

18 4 2
                                    

MONIQUE POV

"Monique. Tara shopping tayo sa mall ninyo" yaya sa akin ng kaibigan ko si dennise.

Nandito kami sa corridor ng building namin sa college, pinag mamasdan ko mula dito ang tao matagal ko na gusto. Hindi ako nag sasawa gawin ito sa kanya araw-araw. Nakaupo sya sa bench malapit sa oval habang may binabasa libro.

"Girl ano ba tara na!" Agaw atensyon sa akin ng best friend ko. Pero hindi pa ako umaalis sa pwesto. "Oww. Kaya pala tinitingnan mo na naman ang kapatid ko" dagdag nya pa nang makita nya kung saan ako nakatingin.

Bigla naman ako nahiya dahil nalaman nya kung sino ang tinitingnan ko. Lumingo ako sa kaibigan ko, ang siko nya ay nakapatong sa railings habang nakatingin sa akin.

"Ha.. Hindi ko tinitingnan kapatid mo!" Pag tanggi ko sa kanya.

Umirap sya sa akin, "monique how many times that I told you na wag mo na pangarapin kapatid ko"

Muli ko ulit tiningnan ang kapatid nya at tumingin ulit ako sa kanya. Humaba ang nguso ko, kahit kelan talaga tutol sya sa ginagawa ko pag dating sa kapatid nya.

"Hindi ko talaga maiwasan tingnan sya" sabi ko sa kanya.

Pinag krus nya ang kanya braso at tumingin sa akin. "Wag kana mag pakatanga sa kanya. Negosyo ang girlfriend non, wala na pag asa mag karoon ng girlfriend kapatid ko!"

Bigla naman ako natawa dahil sa sinabi nya. Hindi ko talaga maunawaan kung bakit ganon na lang pag tutol nya sa amin. Hindi ko pa man inaamin sa kuya nya ganon na lang pagpigil nya sa akin. Ngumuso ako lalo dahil may tampo na nabubuo sa akin. Parang hindi ko siya Best friend, samantalang todo suporta ako sa kanila ni lawrence. Tumingin ako sa kanya, pinag taasan nya lang ako ng kilay. Kahit kelan talaga ganito sya sa akin

"ano! Sasayangin na lang ba natin ang oras dito?" Irita nya tanong

"Fine let's go na!" Agad ako nauna sa pag lalakad. Hinayaan ko lang sya sumunod.

Maya maya pa ay naramdaman ko na nasa tabi ko na siya. Mag kaiba ang course namin pero may mag kapareho kami bakante oras katulad ngayon. Hindi sya kumuha ng related sa business ang kinuha nya course ay architect. Ang sabi nya sa akin pwede naman pag sabayin ang negosyo at ang kanya kurso. Wala nagawa doon ang kanya ama. Pasaway kasi ito si dennise. Palibhasa Engineer si Lawrence kaya nya yon kinuha. Samantalang ako business related kinuha ko. Dahil yon talaga ang gusto ko. Gusto ko tulungan ang parents ko pag dating ng panahon unica iha kasi ako kaya inaasahan nila gagalingan ko sa college.

Bubuksan na sama namin ang pinto nang bigla tinawag ni Nathaniel si dennise. Lumapit sa kanya si dennise, nag usap sila habang nakatayo lang ako sa tabi ng kotse. Hanga ako sa kanila dalawa mag kapatid bata pa lang nag train na sila kung paano humawak ng negosyo. Bawat isa sa kanila tatlo may negosyo na. Ipinag katiwala sa kanila ni tito kung paano papalaguin yon.

Nakita ko tumingin sa akin si nathaniel kaya agad ako umiwas. Nahihiya kasi ako, ayoko ipahalata sa kanya na gusto ko sya.

Sa totoo lang matagal na ako may pag hanga sa kanya. Pero hindi ko masabi yon sa kanya sobra taas kasi ng standard nya sa babae hindi ko maabot yon.

Lumapit sa akin si dennise, "Monique sama ka sa akin sa bahay" Nag taka naman ako, bakit nya ako isasama. Wala naman okasyon hindi naman birthday ni nathan.

"Akala ko ba pupunta tayo mall" umirap lang sya sa akin. "May emergency meeting kasi nandoon ang business partner ni daddy"

"Dapat hindi mo na ako isama dahil may meeting pala kayo" sabi ko sa kanya.

Lumaylay naman ang kanya balikat, "hindi na tayo nakakapag bonding" saglit ako napaisip. "Next time na lang dennise"

"Epal kasi yan si Nathaniel, nasa mall na sana tayo ngayon!" Hindi sya pinansin ng kapatid nilalaro nya lang kanya susi hawak.

THE HEIR OF DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon