Chapter Eight

9 5 0
                                    

(Zayne's POV)

"Hi Zayne, I'm glad na ikaw yung napili ni direk na magkaroon ng cameo sa ongoing project namin ni Leo." pagbungad sakin ni Chloe nang makarating na ako sa puwesto nila.



I'm now here standing beside her. May pinaguusapan pa kasi sila direk at ng assistant niya.




"Me too." Tipid kong sabi.





"Glad to hear that also. Hindi ka naman ata masasaktan seeing your ka-love team dati, is now my ka-love team." We're just standing straightly without facing each other, and I can feel that she's trying to insult me.





"Don't worry dear, I'm fine. I'm not teenager anymore para magkaroon ulit ng ka-love team."





"Sabagay. So, handa ka na ba maging extra?"




"Oo, handa na akong talbugan ka."




"Really? Kaya mo?" I heard her smirked.





"Okay, magsisimula na tayo. Zayne tara dito." Direk announced.





"I'm Zayne Denise Chavez." I said sabay lingon sa kanya, at tumingin na din siya sakin. "Of course I can." I added and flipped my hair in the end, at naglakad na papunta kay direk.




"So, Zayne. Alam mo na ang gagawin mo diba?"





"Yes po direk. I'm going to stand here, tapos madadaanan ako nila Chloe, pagkatapos ay mahuhulog niya yung teddy bear na bigay sa kanya ni Leo and pak! Diyan na po ako i-insert. Ako ang kukuha ng bear at ibibigay kay Leo."





"That's good, ipakita mo yung aura mo habang pinupulot yung bear, okay?"




"Yes direk, ako na po ang bahala."





"Okay, magsisimula na tayo." Pag announce ni direk gamit ang megaphone. "In three, two, one. Action!"





So, tulad ng nakasulat sa script. Nandito lang ako nakatayo sa puwesto ko, like busy with something where in fact, hinihintay ko lang na makarating na dito yung magcouple. And there they are palapit na sakin.



"Thank you for bringing me here babe. I love it."



"Anything for you, my love."



"Aysus."




Tsh, corny!



Nakalampas na sila ngayon sakin at nahulog na din yung teddy bear.


Okay, Zayne. This is your time to shine.


Pinulot ko naman na yung teddy bear, at akmang tatayo na ako, when I felt suddenly something in my tummy. Dahilan para mapahawak ako dito at nabitawan ko naman yung teddy bear.




Shit what's this? Parang may kumukulo sa tiyan ko.




"CUT!" I heard footsteps naman running towards me. "Ayos ka lang ba?" I saw Leo naman and helped me to stand up properly.




"Zayne, anong nangyari? Ayos kalang?" Nag aalalang tanong naman ni direk.




"Y-yes direk, I'm okay."




"Sigurado ka?"




"Op--" Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil naramdaman ko na naman na may kumukulo sa tummy ko, and suddenly parang may lalabas na sa puwet ko!




Hot and Cold (Damsel Squad Series#1) *ON GOING*Where stories live. Discover now