24

290 17 0
                                    

Julius' PoV

Umupo lang muna ako sa tabi ni Stacy ngayong araw. Buti na lang din may kapatid akong handang sumuntok saken 😅

"Ate nakipagbreak ehh!"

"Tapos mas inagahan mo pa gago?!"

"Eehhh... aray ate mata ko yon!"

"Tanga!"

"Bakit ba ate?!"

"Binigla bigla mo yung tao ano gusto mo reaction?! Let's celebrate?! Siraulo bat kita kapatid?! Sinaktan mo pa!"

"Nasaktan din kaya ako ate!"

"Tarantado nako nanggigigil ako sayo! Bumalik ka ng pilipinas sinasabi ko sayo!"

"Pano si dad?"

"Bumisita ka na lang! Kaya ko na yon! Pag nagsimula ako sa trabaho sisipain kita pabalik don makipag-ayos ka tanga!"

"Eh pano nga eh nakipagbreak na nga!"

"Problema ko pa yon?! Gusto mo doblehin ko blackeye mo?!"

"Oo na ate uuwi na nga!!"

Pagkatapos ako masapak ni ate kinausap ko kaagad sina Reggie at dun ko nalaman ang sitwasyon ni Stacy. Kaya pinabantayan ko sa kanila habang inaayos ko yung pagbalik ko dito. Kinausap ko ulit kasi yung boss namin. Buti na lang hindi pinasa yung resignation letter ko sa kataas taasan. Finile na lang daw as leave. Mahirap daw kasi maghanap ng kapalit ehh.

Kaya ayun. Bibisita na lang ako kapag libre. Ayoko na masuntok ni ate, sakit sa mata gago.

"Mister Developer wala ka trabaho ser? Isang buwan ka awol hoy. Pinagtakpan ka lang ni bossing" Yen

"Bukas na yun, dito muna ako" sabi ko ng di inaalis ang tingin kay Stacy. Namiss ko ehh

"Eh ser yung kasama ko naman ang di makakapagtrabaho sa ginagawa mo makatitig ka wagas? Lalayas layas ka dyan"

"She's not complaining though?"

"Not complaining pero nangangamatis ser baka di mo kita?"

When I stared back at Stacy dun ko lang napansin ang sinasabi ni Yen. She's blushing.

"Alis na lang ba ako?"

"Wag!"

"I mean babalik na lang ako sa pwesto ko?"

"A-ahh sige lang ano... sige"

"Okay. Hatid kita mamaya bee ah? Love you"

Stacy's PoV

Napakagat labi na lang ako sa sinabi niya. Hala ka naman huy 🙈

"Kilig na kilig kunwari hindi atungal baka kung umiyak netong nakaraan"

"Yen naman"

"Communication gorl. Pag-usapan okay?"

"Mamaya nga daw ehh. Kinakabahan ako"

"Bakit ka pa kakabahan?"

"Ewan"

"Sus. Kaya mo yan gorl. Payting!"

"Salamat"

Ewan ko ba bakit kinakabahan pa rin ako 😣

Nung uwian na ewan ko ba di talaga ako makakilos ng ayos. Naglalagay ako ng gamit sa bag basta na, nagkahampas hampas pa braso ko sa lamesa.

"Aww!"

"Hey! Ano nangyayare sayo? Masakit ba?"

Biglang lapit saken ni Julius kaya tumango na lang ako

I.T. Must Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon