25

459 26 4
                                    

Stacy's PoV

"Hala ka?!" Bulyaw ko kahit na madaling araw na dito sa opisina pagkabasa ko ng message ni Julius

"Yes? Gulat na gulat gorl? Daming energy?"

"H-hindi! Kasi-"

"Hi!"

Naputol yung pagsasalita ko nang biglang magsalita si Julius at lumabas sa harap namin

"Ayy wow andito jowa. Yes Mr. Developer naligaw??"

"Nagdala lang ng pagkain. Stacy oh"

"Hala ka. Adik ka talaga! Kahit naman hindi na eh!"

"Gusto ko bakit ba?"

"Layo layo ng bahay niyo hon bumalik ka pa?"

Yung mga malalapit lang kasi yung nakauwi kagaya ko bago bumalik ng Sabado ng madaling araw. Yung iba nagstay in na dito

"Hindi naman ako umuwi haha"

"Ehh?!"

"Well supposedly uuwi ako pero nagbago isip ko"

"Bakit?" Sabi ko

"Bantayan na lang kita"

"Yes bodyguard. Kano kita dyan ser? Hahahahaha" Yen

😣

"Pagmamahal lang po madam bayad na"

"Oh ede waw" Yen

"Corny mo nakakainis"

"Kumain ka na kasi. Oh"

"Salamat"

"Matagal pa daw ba migration?"

"Ewan nga ehh. Pero mukhang may lagpas isang oras pa"

"Good. You still have enough time to eat that"

"Seryoso talaga? Di ka umuwi?"

"Yep. Wag ka mag-alala prepared ako. May pamalit akong dala kanina pang umaga"

"Sira ka talaga"

"Sabi ko naman sayo sasamahan kita"

"Sabi ko din sayo wag na"

"Ayaw mo ba talaga? Pauuwiin mo ko ng gantong oras?"

"Nangonsensiya pa. Hindi syempre. Mapahamak ka pa, mawalan pa ko ng boypren"

"Scared to lose me?"

"Syempre!"

"Di ba obvious yon last time ser? Kaloka kayo oy bawasan kalandian sa madaling araw nakakainit ng ulo"

"Yen ewan ko sayo hahaha"

"Puyat gorl sorry na hahahahaha "

"Wag ka mag-alala Yen andyan naman si Reggie" Julius

"Olol asa pakatamad non. Pagkatapos isang date wala na"

"Teka nagdate na kayo?!"

"Ay teh waw over?"

"Hindi nga?!"

"Pamysterious lang yon Yen gusto ka non haha" Julius

"Wag ka paasa paghihiwalayin ko kayo hmp!"

"Kakahiwalay lang wag ka nga!" Sabi ko

"Pero gusto mo?" Balik na tanong ni Julius sa kanya

"Yung kaibigan mo lang nag-iinarte pwede ba 🙄"

"Ahhh edi good decision pala"

"Na?" Tanong ko kay Julius

"Na-"

"Hay nako nakakapagoooodd" Reggie

"Luh siya ginagawa mo dito?"

"Bro ano na nakita mo ba hinahanap mo?" Tanong ni hon kay Reggie then Reggie looked at Yen bago ngumiti at sumagot ng oo

"Gorl asan na angas mo? Hahaha" pang-aasar ko kay Yen nung makita kong mamula ang pisnge hahaha

"Magtrabaho na nga tayo!" Yen sabay balik sa pagharap sa laptop

"Gorl migration ongoing pa hahaha"

"Bee?"

"Hmm?"

"Labas tayo saglit? Mabilis lang? Para magkatime din yan sila haha"

"Dinahilan pa kami gusto mo lang solohin bespren ko. Layas chupe!" Yen

"Ano tara?"

"Sige. Maya ko na kainin pagkain mo di pa naman ako gutom"

"Ok ok"

Lumabas na nga kaming dalawa sandali sa opisina. We both looked up the stars in the sky nang makalabas kami. Kitang kita ang bitwin kasi wala na masyadong ilaw sa paligid

"Ang ganda..."

"Bee?"

"Hmm?"

"I love you..."

"May problema ba?" Umiling naman agad siya as an answer

"Naisip ko lang... that one month we spent separately made me realise a lot of things"

"Like?"

"Like we really have a lot to learn in this relationship" sabi niya sabay tawa ng mahina

"Pero alam mo?" He said looking at me still holding my hands

I just looked at him waiting for whatever he'll say

"Mas napatunayan ko din na mahal talaga kita. That month was the most stressful month for me. Malala pa sa lahat ng error na nakuha ko galing sa testing"

Natawa naman ako sa comparison na ginawa niya

"Bee? Promise me. Kakapit tayo sa nararamdaman natin okay? We may be new to this but lahat naman natututunan di ba?"

"Oo naman. Sa trabaho nga naten pareho tayong walang alam nung una di ba? I think it's more important to take that note in this relationship tsaka... wag din tayo pabigla bigla. Let's enjoy everything and promise each other na pag-uusapan natin lahat ng maayos okay?"

"Promise" he said smiling

"I love you Mr. Developer"

"I love you my dear tester"

THE END

I.T. Must Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon