3

422 31 5
                                    

Julius' PoV

The first time I enrolled as an IT student ang ineexpect ko to learn was how to create games, do hacking and the likes, but heck no. The first lesson we had? "Hello World".

I thought it was too easy kasi ididisplay lang pero fck that hindi siya parang excel na pwede mong itype ng basta. Tapos as lessons progress the only thing you can say in every program is "putangina". Bakit? Kasi pag may mali "putangina", pag naayos mo "putangina" pero pag nicheck ng prof at mali ang logic "putangina" ulit. Our lifes full of curses. Haha.

Kidding aside, when people knew you are an IT, all around ka na "dapat"

"Uy ihack mo nga wifi ng kapitbahay"
"Uy bakit di mabuhay yung pc?"
"Uy bakit di ko maaccess yung page?"

Geez. When I learned Information Technology wala lahat ng yan sa lessons namin. How can I fcking know?

OJT. Tagaayos ng PC na hindi nabubuhay, PC na walang internet, keyboard na di gumagana. Tagareformat. Taga install. Which is okay.

Pero alam niyo pinakanakakagago? Thesis.

Lahat ng inaral mo ng apat na taon parang naubos. You start from nothing and you have to literally create something.

Once and for all. IT is not an all in one job. Para rin kaming doktor. May kanya kanyang specialization. Games, websites, apps, technical, network, etc.

"PUTANGINA!" Napasigaw na lang ako at natigil sa pagmumukmok kasi thank goodness naayos ko na.

Pagtingin ko sa relos puta alas dyes na. Tapos alas otso ang pasok sunod na araw. Puyat na naman Julius. Hay nako. Bukas ko na nga lang to rereplyan. Makauwi na.

Stacy's PoV

Pagtingin ko sa emails ko the next day wala pa ring reply sa email ko. Anobayan!

"Madam. Hintayin mo muna makarating. Nag-OT pa yun kagabi wag kang atat"

"Nabasa mo nasa utak ko?"

"Tih mga ganyang itsura mo alam ko nang wala pa rin yung mail na ineEXPECT mo"

"I'm not expec- oh well wala pa nga. Pero para sa bug fixes yon!"

"Wala naman ako sinabing iba bat ka defensive? Hahaha"

"I know your look. Wag mo ko ihappy shipping. Lahat na lang ng mapag-initan ko sa testing ginaganyan mo saken."

"Ehh tih ano ba masama? Wala ka naman jowa. Sila din naman wala"

"Nobody likes me silly"

"Malay mo si mr. Developer na yon? Yiiiee hahaha" eto na naman siya leche

"Shut up"

"Ayan na si mr. Handsome mo. Pagpahingahin mo muna. Halatang napuyat hahahahaha"

"You don't have to fcking tell me every detail Yen. Shut up."

"Stacy?" Nagulat naman ako when someone called my name. Paglingon ko si Julius pala.

"Yes?"

"The bugs are done. Sa isang email na lang ako magrereply ah?"

"Ahh okay. Thank you. Kape?" Napansin ko kasi yung antok niya eh

"Magtitimpla na ko sa pantry afterwards. Need mo na ba yung email? O kahit mamaya konti?"

"Maya na after mo magkape"

"Sige thanks!"

"Sige"

Pagkaalis ni Julius umimik na naman si Yen 🤦🏻‍♀️

"Yiie casual kala mo di nagkakainitan ng ulo hahaha"

"Work is work Yen wag kang issue"

"Sinasabi ko lang naman hahaha"

"Ewan ko sayo dyan ka nga muna kukuha ako tubig tch"

Pagdating ko sa pantry matiwasay lang sana ang lahat pagkakuha ko ng tubig ehh kaso nagulat ako paglingon ko nasa harap ko si Julius. Ang masaklap pa walang taklob yung baso ko kaya napatapon saken yung tubig

"Sht!"

"Sht sorry. Did I startle you?"

"No it's fine." Sabi ko na lang kahit in reality ehh nabasa yung blouse ko at napataklob agad ako sa sarili ko dahil manipis tong top ko

"It's not fine. Ang nipis ng damit mo"

"Hihiram na lang ako ng jacket kay Yen. Sige una na ko"

"Wait"

Pagtingin ko sa kanya nagtanggal siya ng hoodie

"Use this"

"Hala uy wag na!"

"I insist. Medyo kasalanan ko din naman bat ka natapunan. Isuot mo na kesa maglakad ka sa office ng ganyan"

"T-thanks"

Pagbalik namin sa loob ng work area as expected masama ang tingin saken ng mga tao. Specifically some girls. Ehh "heartthrob" to ng opisina tapos suot ko yung jacket. 🤦🏻‍♀️ sabi ko na issue ehh

"Ayy oh ang sabi kukuha lang ng tubig yun pala pati jacket ni fafa makukuha hahahahaha"

"Gaga. Natapunan ako ng tubig basang basa damit ko. Pinahiram niya lang saken kasi makikitaan ako sa nipis ng damit ko"

"Ooohhhh okay" sabi ni Yen pero halatang di siya naniniwala

"Magtrabaho ka wag ka tsumismis buset"

"Yes ms tester! Hahahahaha"

I.T. Must Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon