Kabanata Pangalawa

2 0 0
                                    

"Mama needs to stay in the ICU for 3 days, Jyl." Sabi sa akin ni Kuya Warlo, pagkapasok ko sa isang room na nirent nila dito sa Hospital. Papa rented this room para dito si Mom mag stay pagkalabas nya ng ICU. "How's your school Jyl?" agad akong napatingin kay kuya sa tanong nya, naalala ko kasi yung bagong student na gwapo na apo ni Mayor kanina sa school, medyo napangiti ako ng kaunti. OO NA AKO NA MALANDI!



"It was great, actually Kuya you really don't have to worry about me. I'm in my last year, and I won't waste this year para makapag-drama lang sa buhay."



"That's our bunso. Always think that Mama will survive and that'll be your inspiration, you got this okay?" malumanay na sabi ni Kuya Warlo. Sya kasi ang nagbantay kay Mama mula sa labas kung sakaling may mga kailangan pa dito sa Hospital. Si Papa naman kailangan ng bumalik sa Municipal at si Kuya Arnel naman pinatawag daw kanina sa Site nila.



"Take a rest na muna Kuya. Ako muna ang bahala dito, uuwi nalang ako pagkagising mo." Tutal sabado na naman bukas at napasa ko na ang ibang projects na due kanina, mag papakastress-free muna ako ngayon.


Tumango lang naman si Kuya at humiga sa isang kama para sa mga bisita sa room na nirent ni Papa. Inilabas ko ang libro ko para makapag-basa basa pa ng kaunti, sa tuesday kasi may quiz kami.



Lumabas muna ako para makapag-pahangin at bumili ng Hot Choco sa ibaba, madilim na pala. Halos apat na oras na din pala ako dito sa Hospital.



"Aw!" impit ko sa sakit nang may bumangga sa likod ko, may natapon na hot choco sa kamay ko na kaunti na halos kakagawa lang, kaya talagang mainit iyon. Kingina kasi ng bumunggo sa akin eh!



"Sorry Miss." sabi ng nakasagi sa akin. Pinagpag ko yung kamay ko na napaso at hinipan saglit bago bigyan ng masungit na tingin na para bang kakain ako ng tao yung nakasagi sa akin na nasa likod ko lang




"Pwede ba next time- -" napaurong yung dila ko dahil sa nakikita ng dalawa kong mata, shit si Kayne nasa harap ko! Agad ko naman inayos at kinalma ang sarili ko bago ulit magsalita, "Ah eh, Hello!" I smiled awkwardly at itinaas ang kamay ko para kumaway sakanya



"Is your hand okay?" agad ko naman tinago sa likod yung kamay ko na napaso bago tumango "I'll get you an ointment."



"Hindi na!" hinto ko sakanya, napatingin naman sya sa akin na may kunot sa noo "I meant, it's not that serious and I can put on later ahehehe." hindi naman ganon kalala at wala naman sa second or third degree burn ito, nag smile nalang ako at nag-thumbs up



"Okay?" confuse na sabi nya at saka tumalikod pabalik



"Teka! Teka!" Huminto ulit sya sa paglalakad at humarap sa akin


"Ano?"


"Anong ginagawa mo dito sa Hospital? Sinusundan mo ako, ano?" Biro ko. Ewan ko, minsan may pagkamakapal talaga ang mukha ko.


"No. My sister works here, sinusundo ko lang sya." tumalikod ulit sya at naglakad na palayo. Napabuka saglit ang bunganga ko at napatitig lang sa likod nya. Nagbibiro lang ako, bakit sinagot nya?! Hindi nya ba nagets joke ko? Kairita!

"Magandang umaga po Lola Kath!" masayang bati ko kay Lola Kath papasok ng Market. Kapag sabado at linggo ang trabaho ko mula 6:30 am to 12:30 pm, kapag thursday at friday naman after school hanggang magsarado pero minsan maaga ako umuuwi kapag may kailangang gawin na assessments



Il Mio Protettore (ON GOING)Where stories live. Discover now