Kabanata Apat

2 0 0
                                    

"Thanks for teaching me. Ano tara kain tayo?" anyaya nya sa akin after ko ituro ang iqu-quiz namin sakanya.


"Saan naman?" tanong ko nang makalabas kami sa library. 4pm na kaya alam kong nakauwi na din mga kaibigan ko


"Wala akong alam na makakainan dito,
ikaw na bahala." kibit na balikat na sabi nya sa akin. Parang may ilaw na lumiwanag naman sa utak ko


"May alam ako." sabay hila sakanya palabas ng school. Bigla naman syang huminto at may kinalkal sa bulsa


"Teka. Kunin ko lang car ko sa parking."


"Huh? May car ka?" he nodded and showed his car key. "Nice Porsche." sabi ko nang makita ang symbol ng Porsche sa susi nya


"Sandali lang, hintayin mo nalang ako dito." agad naman syang nag-madali na tumakbo papuntang parking. Hininto naman nya ang kotse nya harapan ko at ibinaba ang bintana


"C'mon in." pagpasok nya sa akin sa kotse nya, naamaze pa ako ng konti sa itsura 'non bago makapasok. Medyo nahiya tuloy ako sa pupuntahan namin

"Iba nalang pala puntahan natin, dala mo kasi kotse mo eh." sabi ko pa, baka pagtripan kasi doon 'yon


"Nah. Doon tayo sa first choice mo, saan ba yun?" tanong nya habang ang isang kamay ay nasa gear at ang isa naman nasa steering wheel.


"Malapit lang, lalakadin lang sana natin kaso may kotse ka pala baka balikan mo pa - - - dyan lang sa likod ng school, diretso then kaliwa." turo ko naman sa direksyon nag umpisa na naman sya magmaneho. "Tapos kanan ulit, sa unang kanto kaliwa tapos ayun na." sinunod
naman nya sinabi ko, siguro three minutes drive lang at 10 minutes walk


"Street foods?" tanong nya nang makadating kami sa may totobits sa gilid ng shopping mall malapit sa school namin



"Oo eh..." nahihiyang tugon ko, "Sabi sayo sa iba nalang, tara." aya ko


"No. Dito nalang, namiss ko din." sabi nya at naghanap ng parking. Pinanuod ko lang sya ipark ang kotse nya sa may gilid bago nya ako tignan ulit. "Ano? Tara na?" anyaya nya


"Okay lang?" I make sure kung oks lang ba talaga baka napipilitan, anak mayaman alam nyo na. Nauna syang bumaba sa akin at hinintay ako makababa ng kotse.


"Ano paborito mo dito?" tanong nya sa akin habang namimili kami



"Isaw tska kikiam!! Ikaw ba?" excited na sabi ko, natatakam na ko.


"Kwek-kwek and uhh bopis ba yun." napatingala naman ako sakanya at tumango


"Wow. Eh chicken skin kumakain ka?" tanong ko sakanya


"Oo naman sabay sawsaw sa suka." medyo napabilib naman ako. Anak mayaman buti hindi maarte. Apo ng Mayor namin dito tapos Manila boy pa na nag-aaral sa UP, ang mahal mahal din doon nakita ko yung tuition fee nung nag research ako. Sa tindig at porma palang mayaman na ang datingan nya pero di mo akalain na marunong din sya makisabay


Una nya ako pinag-order pagkatapos ay siya. Nag-insist sya kanina na sya nalang daw magbabayad pero sabi ko huwag na sa susunod nalang, gagalingan ko syempre HAHAHA.



Nagpaalam ako sakanya na hahanap na ako ng mauupuan namin habang sya naman nag oorder. Maya maya pa nakita ko na sya dala ang pagkain nya



Il Mio Protettore (ON GOING)Where stories live. Discover now