Kabanata Tatlo

1 0 0
                                    

"Penge naman miryenda Jey!" inarte ni Hera after nilang magwork out. Ang balak mag aaral daw pero yung dalawa nag work-out muna at hihintayin nalang daw nila yung dalawang lalaki na dumating.


"Wait, I'll go get my yaya to feed your monster in your stomach! Kakatapos lang mag work out, kakain agad." umisnab pa si Jey bago lumabas sa study room nya.


"Palit lang ako damit." paalam akin ni Hera at iniwan ako mag-isa sa kwarto. Pinagpatuloy ko lang yung problem solving na ginagawa ko. BSEd pa more.


Narinig ko na mga yapak nila at usapan, mukhang dumating na din ata yung dalawang boys medyo umingay kasi eh.


"Hahaha oo naman, okay lang." napapintig dalawa kong tenga sa narinig kong boses, agad akong tumingin sa mga bagong dating. Nagkunyari akong hindi kinakabahan ng mahagip ng dalawa kong mata si Kayne.



"Dito na pala kayo." kunwaring walang malay na sabi ko at kunwaring nagsusulat pa din



"Feeling ko talaga si Jyll ang mag su-summa cum laude sa atin eh! Napakasipag mag-aral." tumaas ang tingin ko kay Yel bago sya inirapan Yel, nakita ko pa syang umupo sa swivel chair ni Jeya bago bumelat sa akin



"Inggit ka lang, hindi ka kasi nag aaral." asar ni Jeya at itinutulak palayo si Yel sa swivel nya, okay ito nanaman ho sila "Alis!"



"Akala mo kung sinong nag aaral, eh nagyaya lang naman mag group study para makakopya ng notes kay Hera." bawi ni Yel at kusa ng umalis at syempre hindi mag papatalo yung isa dyan


"Kaya ka nga din sumama para makakopya kay Acebill." sabi sainyo eh, umiling nalang ako sakanila habang pinagpapatuloy ko yung solving. Kapag binawalan mo sila, mas lalo
lang iingat. Kaya hinahayaan nalang namin hanggang magsawa silang magtalo


"Can I borrow your notes?" medyo kumabog ang dibdib ko ng lumapit si Kayne sa pwesto ko, ewan ko kung bakit! May ikinalkal ako saglit sa bag ko


"Ah wait, eto. Ayan muna, then after nyan meron pang dalawa na nasa bag ko and plus itong ginagawa ko ngayon. Let me know if you have finish that book na para mapahiram ko yung iba." sabay abot sa isa kong notebook. Tumango sya at medyo lumayo ng kaunti sa akin para makapag-sulat. Lumapit naman si Hera sa akin, alam kong mangaasar 'to



"Yie. Lumelevel up." bulong nya sa akin, sarap nyang sabunutan kung wala lang si Kayne sa gilid ko




"Nanghiram lang ng notes 'no! Ikaw nga dyan kagabi, I dedicate these songs I dedicate these songs ka pa dyan nalalaman, malandi ka." asar ko pabalik at ginaya yung sinabi nya kagabi sa Painless




"Ganon ang galawan sis! Paano tayo uunlad nyan!" pinalo ko ng mahina ang legs nya ng sumigaw sya kaunti



"Iba na levelness ng kalandian mo sa kalandian ko, sobrang taas ng sayo eh." dumila pa ako sakanya "Pero mas malaki suso ko sayo." at pinitik ko yung strap ng bra ko, nakita ko naman syang umirap sa akin bago umalis. Mabuti na 'yon kesa naman manggulo pa


"Guys foods!" napahinto naman kaming lahat sa ginagawa namin nang pumasok yung tatlong katulong ni Jeya na may hawak na mga tray na puno ng pagkain, sya talaga pinakagalante sa amin at napakayaman pa. "Omg! Salamat po!" pasasalamat ni Jeya na ginaya namin bago maakaalis mga katulong nila


"Wala sila tito at tita dito?" tanong kaagad sakanya ni Yel habang kumukuha ng fried chicken



"No. They'll be away for a month. Alam nyo naman na ako at si Joirshen lang ang madalas natitira dito sa bahay and mga katulong." she sighed bago kumuha ng sandwich


Il Mio Protettore (ON GOING)Where stories live. Discover now