"I will marry you!" Sabi ng batang lalaki at ikinagulat ko. Napatingin ako sakanya.
"Bakit? Masyado pa tayong bata!" Sigaw ko pero hindi ganun kalakas. Nasa bahay namin siya ngayon at naglalaro ng PSP. Kasama niya kalaro si Kuya Knight pero may kinuha lang saglit at naiwan kami dito sa kwarto. Nandito ako dahil wala akong kasama sa kwarto ko. Atska bisita namin siya.
"Edi paglaki natin. Papakasalan kita." Sabi niya at itinigil niya ang paglalaro at tumingin saakin.
Nahiya naman ako at tumingin sa ibang direksyon.
"Bakit naman ako?" Tanong ko. "Mabait at gwapo ka. Mas bagay kayo nito oh!" Sabay turo ko sa isang model na babae sa magazine ni Ate Queenie. "Pangit ko tapos ang taba taba pa." Tumingin ako sa baba at nag pout.
"Ano naman? Hindi sila ikaw. Hindi sila si Princess Elizabeth Amaranto" sabi niya at kinurot ang pisngi ko
"Aray ko!" Pinalo ko ang kamay niya at hinamas yung pisngi ko. Actually, hindi naman siya masakit. Kinikilig lang ako hehe!
"Basta ha? Papakasalan kita" sabi niya
"Promise yan ah?" Tanong ko. Inabot ko sakanya ang pinky finger ko sakanya
"Promise!" And he clinged his pinky finger into mine and the raise his right hand showing that he is swearing.
"Oh! Anong nangyari at parang nagsumpahan kayo?" Sabi ni Kuya Knight na parang natatawa.
"Ah wala kuya. Ito kasi si Luke!" At tinuro ko siya
"Hay kayo talaga! Hahaha. Game Luke 1vs1 tayo!" Sabi ni kuya at humakbang kay Luke para tabihan
Pagkatabi ni kuya kay luke, tumingin ito saakin.
I gave him my sweetest smile.
Hindi ko alam pero parang namula siya at ibinaling nalang ang atensyon sa paglalaro.
BINABASA MO ANG
The Ugly Princess
RomancePrincess Elizabeth Amaranto is in love with the campus crush slash childhood friend niya na si Luke Peterson. In love na talaga ito simula noong bata pa sila. She always dream of being his queen in their own fairytale. Si Princess ay laging nabubull...