CHAPTER 17

499 38 0
                                    

"Migs, do you want to say something?"

Natauhan ako nang mag-salita si papa. Ngayon ko lang na-realize na kanina pa pala akong tulala at wala sa sarili. I didn't even touch my food.

"Wala po, pa. I'm okay" I answered in a low tone voice.

"Are you sure? It seems like you're distracted"

"Ayos lang po talaga ako. Stress lang po sa acads"

"Anak, don't be hard on yourself, okay? Wala naman kaming ibang hinihingi ng papa mo bukod sa maka-graduate ka. We're very okay kung may achievements ka man o wala" sabi ni mama.

"Your mom's right. Wag ka masyadong magpaka-stress sa acads mo. Mag-aral ka lang ng mabuti, ayos na 'yon para sa amin. Enjoy din pag may time. You deserve it"

Tipid ko silang nginitian. "I know. Thank you po"

"Now, eat your food. Malamig na 'yan" mama said.

Tumango lang ako at kumain na. To be honest, kanina ko pa iniisip yung nangyari kanina. Yung biglaang pag-amin sa akin ni Ivan. Pinoproseso pa rin ng utak ko ang mga sinabi niya. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala.

Tapos andyan pa si Felix. Nako-konsensya pa rin ako sa ginagawa ko sa kanya. Andami ng nangyayari sa akin ngayon. Naguguluhan na ako.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso agad ako sa kwarto. Nakahiga at mahigit sampung minuto ng nakatitig sa kisame at 'yon pa rin ang aking iniisip. Gusto kong makalimot pero ang hirap. My phone buzzed and saw Felix messaged me. Ayoko mang basahin yung mensahe niya dahil sa hindi na kaya ng konsensya ko pero ginawa ko pa rin.

Felix:

Naka-uwi ka na? Ayos ka lang ba? Gusto mo puntahan kita diyan?

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. I don't know if I can hold this any longer. Parang gusto ko nalang kalimutan ang lahat. Andami ng bumabagabag sa aking isipan.

"Your mom's right. Wag ka masyadong magpaka-stress sa acads mo. Mag-aral ka lang ng mabuti, ayos na 'yon para sa amin. Enjoy din pag may time. You deserve it"

Napatayo ako dahil sa naisip ang sinabi ni papa kanina lang.

"Was that a sign?"

Nilagok ko ang isang baso ng tequila at humingi pa ng isa sa bartender. Naka-ilang shot na ako kaya medyo nakaramdam na ako ng pagka-hilo. Mabilis namang kumilos ang bartender kaya nabibigay niya agad ang order ko.

I once again drank the tequila. Hindi naman talaga ako masyadong umiinom. Just this time para makalimot kahit ngayong gabi lang. Ang dami na kasing bumabagabag sa isipan ko.

Inilibot ko muna ang tingin sa paligid habang hinihintay ang isa ko pang order. They were all dancing and having fun. Gusto ko silang sabayan but I'd rather stay here and drink all I want. Parang umiikot na talaga yung paligid ko. Mahina kasi talaga ako sa alak.

Ilang saglit pa nang may tumabing lalaki sa akin. I can't see his face clearly dahil nga ay sa nahihilo na ako.

"Hi. What's your name?" he asked playfully.

"Miguel" I smiled at him and shook our hands.

"Kanina ka pa dito? Pansin ko kasing lasing ka na"

"Yeah. Siguro mga thirty minutes na"

"You're cute. Wanna drink together?"

"Sure. Basta libre mo" I joked.

I'm trying myself na hindi matumba. Kaya ko pa naman talaga basta wag lang ako galaw ng galaw.

FALLINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon